NXP Semiconductors Cabuyao, Inc.
“Graduation is time to celebrate, time to succeed, and be proud that you made it up to this point. I also want to take this time to acknowledge your Dualtech foundation, inyong mga mentor, inyong mga guro, inyong mga administrators, and also the time for you guys to celebrate and rejoice that you have made another accomplishment. 10,000 ang dumaan sa Dualtech. It started in 1982 so ang dami ng nabigyan ng pagkakataon makapag-aral at maging successful ng mga estudyante dahil dito. So thank you very much, accept my congratulations. It is a job well done. I hope you continue it and we have people to keep on supporting you all through out. Even if I am not here anymore, I am sure susuporta ang NXP para sa inyo.”
I want to acknowledge the presence of our beloved Director and President, Mr. Morfe. We also have couple of colleagues. We have Romualdie Lobo from Telford and Ms. Creselle San Jose and Ronaldo Lopez from Honda.
Again, magandang umaga sa inyong lahat, ako po ay Pilipino, although napunta ako sa ibang bansa pero hindi sinabi ni Mr. Malaiba [Mr. Cris Malaiba, Dualtech Director for Partnerships and Programs] earlier na nag-aral ako ng technical. Ang aking mga magulang ay mahirap noong araw. Ang mother ko ay isang nurse at ang kanyang sweldo noong araw ay Php 300 isang buwan. Ang aking father, pumalo na siya ng Php 864 at ang kanyang trabaho ay sa Insurance Money Shop. Nag-aral ako sa Don Bosco Makati Technical Institute. Alam nyo naman siguro ang eskwelahan na iyon. Technical school din yun kaya ang aking background ay technical din. Pero ang aking mga magulang ay nahirapan talaga ng marami dahil pagkatapos ko ng Don Bosco ng 10 taon, napaaral nila ako sa Dela Salle University sa Taft Avenue. Sa De La Salle University, mahal ang tuition fee doon. Ginapang nila yun, ginapang nila ako, dalawang trabaho, tatlong trabaho. Mahirap, hindi kumakain, nangungutang, malaking paghihirap ang ginawa ng mga magulang ko kase tingnan nyo ang mga magulang na nandito, ang mga guardian na nandito. I am sure naghihirap sila para makapagtapos kayong lahat. In that foundation, I just want to state my speech today.
One is about the graduation day today. Second is about DREAMING BIG and WORKING VERY HARD. Third, I just want this event today with a piece of character building advice and suggestions para sa inyo.
Alam nyo naman ang graduation ay isang magandang event dahil very proud po sa inyo ang inyong magulang at guardian, kasi tatayo kayo dito at talagang mafefeel nyo, WOW, Mission Accomplished. It would never happen again and now it is the time to celebrate, it is the time to say Thank you. Dapat talaga namnamin nyo itong moment na ito. Kasi ang diplomang yan over a piece of paper means a lot of things. Please, itago nyo iyan. Yun diploma ko noong high school nakatago pa hanggang ngayon, dilaw na nga ang kulay nya kase matagal na lumang luma na.
Again, it is just halfway of your life, Kalahati palang ito. Graduation again is time to celebrate, time to succeed, and be proud that you made it up to this point. I also want to take this time to just acknowledge your Dualtech foundation, inyong mga mentor, inyong mga guro, inyong mga administrators, and also the time for you guys to celebrate and rejoice that you have made another accomplishment. 10,000 ang dumaan sa Dualtech. It started in 1982 so ang dami ng nabigyan ng pagkakataon makapag-aral at maging successful ng mga estudyante dahil dito. So thank you very much, accept my congratulations. It is a job well done. I hope you continue it and we have people to keep on supporting you all through out. Even if I am not here anymore, I am sure susuporta ang NXP para sa inyo.
Ako, tapos na ako, naka settle na ako, nakapunta na ako ng Estados Unidos. Pumunta mag-isa kasama ang aking pamilya. Pero ang lugar na iyon ay di naman ganoon kadali. You go there alone. You do not have any friends and family, and you do not know how people will accept kaya kailangan talaga to keep on succeeding at people, working very hard, kasi at the end of the day, ang magbibigay sa inyo ng biyaya ay hindi naman yung mga taong sa trabahong iyon. Hindi yung mga amo nyo sa kumpanya. Kundi ang Poong Maykapal na magrerecognize na ikaw yung ganitong tao, ikaw ay nagsusumikap, ikaw dapat ang bigyan ng biyaya. Everybody has plan in our life.
Tatapusin ko na yung speech ko ngayon with a couple of personal character building suggestion. Unang una, matuto kayong magpasalamat parati kasi may blessings everyday. Pag-gising mo sa umaga, pagpunta nyo sa eskwelahan, pagtrabaho nyo, hindi nangyayari yun kung wala tayong biyaya galing sa Diyos. Matututo kayong magpasalamat sa nangyayare sa inyo, whatever pressure it is, kung meron kayong challenges, okay lang iyon. Magpasalamat parin sa Diyos dahil with that challenge, naging mas matatag kayong tao.
Second, suggestion ko wag nyong kakalimutang lumingon sa pinanggalingan. Kung ang magulang nyo ay naghirap para sa inyo, pag kayo sumuweldo, kahit mag away kami ng asawa ko, ang sweldo ko pumupunta sa magulang ko rin. Kasi kung wala sila, wala ako dito. Kung wala ang mga magulang nyo dito, wala rin kayo. Kailangan lumingon kayo, kung saan kayo galing. Yun mga kaibigan nyo noong araw, yung mga relatives, tutulungan nyo. Hanggang kaya nyo kasi yung pera naman balewala rin yan. Syempre sabi natin kailangan natin ng pera, pero at the end of the day, babalik lahat yun in 10 fold. Hindi nyo dapat hanapin, darating iyon.
Isa pa, Dignity and Integrity, maraming temptasyon sa trabaho, maraming lagayan, maraming lamangan. Ang mangyayari ma-eexperience nyo. Please sa totoo lang, keep your integrity intact. Kung anong tama doon lang kayo. Huwag kayong bibigay sa temptasyon. I am sure you can encounter. Maraming ganyan. Never begin with temptation. Be yourself para pag hinarap kayo sa inyong mga magulang at sa Diyos, pwede nyo sabihin, ang Integrity ko ay hindi pinamigay.
Please never underestimate the power of prayer, never, never underestimate the power of prayer. Magdasal kayo, every minute, every second, kung ano man makikita nyo pasalamatan nyo. Magdasal kayo. Nakikinig ang Diyos, hindi natutulog.
I just want to say my congratulations. You, graduates, parents, and guardians. It is a very proud moment. Congratulations and may God bless you all.
Mr. Jose Miguel A. Orleans, General Manager of NXP Semiconductors Cabuyao, Inc. (May 30, 2015)
Latest News
-
Dualtech and Ibiden Philippines visit Bohol communities for career talks and CSR initiatives supporting ALS teachers and learners
Dualtech Training Center, in partnership with Ibiden Philippines and the DepEd Bohol Division, has been actively supporting Alternative Learning System…
-
Dualtech Alumni Homecoming 2024 recognizes achievements and builds community bonds among Dualtech graduates
On November 23, 2024, Dualtech Alumni Relations Office held the Homecoming event, bringing together graduates and current staff for a…
-
Samar, Leyte local government partners with Dualtech to uplift youth through skills training under Zero Extreme Poverty 2030
In an effort to support the youth of Arteche, Eastern Samar, representatives from Dualtech Center visited Mayor Boie Evardome to…