Kooler Industries
Anu ba ang ibig sabihin ng UNLAD?
UNLAD ay “Unahin Lagi Ang Diyos”. Kapag inuna nyu ang Panginoon tiyak magiging matagumpay kayo. Sa paanong paraan tayo magiging malapit sa Panginoon, paano natin siya mamahalin? Sa ating gawa, i-alay ang inyong gawa. Pag-gising nyu sa umaga, lahat ng iyong iisipin, gagawin at sasabihin i-alay natin kay Lord. Huwag kalimutan paalalahanin din natin ang ating mga kasama sa bahay, pag-gising sa umaga ang unang gagawin, magpasalamat, pangalawa mag-alay ng iyong sasabihin, iisipin, gagawin para sa kanya sapagkat kapag ginawa nyo ito may mangyayari sa inyong paggawa. Pulido ang inyong gawa, hindi po tayo pwedeng mag alay sa Panginoon ng isang gawaing palpa. Sa ojt ninyo sa mga kompanya, pag kayo ay gumawa ng palpak natutuwa ba ang inyong mga namumuno?, hindi, yan ang unang una nating gagawin. Pangalawa mahalin ang trabaho. Paano nyu mamahalin ang trabaho. Sabi ko kanina, pulido ang gawa, walang mali at sa takdang panahon ng pagninilay ng trabaho sa ating namumuno dapat “on time”. Yan ang mga sinasabi sa mga kompanya “Do it right the first time” di pwede po yung maganda nga ang ginawa mo pero paso na sa deadline hindi pwede yun.
– Mr. Cesar FP. Corcuera | Trustee, Dualtech Training Center Foundation, Inc.
Kumusta kayo mga magulang, naiyak ba kayo [sa graduation]? Ako’y naiyak sapagkat naalala ko nung ako ay nag-graduate, naiyak ako kase isa lang pong kaklase ko ang nakakuha ng lahat ng award. Dito po apat-napu at kitang-kita ko sa mga mata ng mga nagsabit ng medalya, kumikinang, “Happy”. Sa mga nagtatapos, tapos na ba kayo? Umpisa palang yan, umpisa ng inyong buhay bilang isang mangagawa, buhay ng isang magiging ama ng sarili nyung pamilya, bilang isang masunuring anak ng inyong mga magulang at mapagmahal sa inyong mga kapatid. Huwag nyong kakalimutan yan.
Who wants to be a millionaire? Nanunuod ba kayo nung programa ni bosing? Lahat tayo gusto natin maging milyonaryo diba? Sa anu kayo magiging milyonaryo? Sa pera? Sa materyal na bagay, yun lang ba? O sa ibang mas mahalagang bagay sa buhay, tulad ng maraming kaibigan, tulad ng mapagmahal sa kapwa. Paano nyu tutuparin ang pagiging milyonaryo? Sa mabuti ba? O sa hindi magandang paraan. Sa PDAF ba, o sa sipag at tiyaga. Lahat tayo gusto nating umunlad diba? Anu ba ang ibig sabihin ng UNLAD?
UNLAD ibig sabihin “Unahin Lagi Ang Diyos”. Kapag inuna nyu ang Panginoon tiyak magiging matagumpay kayo. Sa paanong paraan tayo magiging malapit sa Panginoon, paano natin siya mamahalin? Sa ating gawa, i-alay ang inyong gawa. Pag-gising nyu sa umaga, lahat ng iyong iisipin, gagawin at sasabihin i-alay natin kay Lord. Huwag kalimutan paalalahanin din natin ang ating mga kasama sa bahay, pag-gising sa umaga ang unang gagawin, magpasalamat, pangalawa mag-alay ng iyong sasabihin, iisipin, gagawin para sa kanya sapagkat kapag ginawa nyo ito may mangyayari sa inyong paggawa. Pulido ang inyong gawa, hindi po tayo pwedeng mag alay sa Panginoon ng isang gawaing palpa. Sa ojt ninyo sa mga kompanya, pag kayo ay gumawa ng palpak natutuwa ba ang inyong mga namumuno?, hindi, yan ang unang una nating gagawin. Pangalawa mahalin ang trabaho. Paano nyu mamahalin ang trabaho. Sabi ko kanina, pulido ang gawa, walang mali at sa takdang panahon ng pagninilay ng trabaho sa ating namumuno dapat “on time”. Yan ang mga sinasabi sa mga kompanya “Do it right the first time” di pwede po yung maganda nga ang ginawa mo pero paso na sa deadline hindi pwede yun.
Ang ating pananaw sa buhay at sa trabaho natin unang una positibo. Hindi lamang positive kundi dapat yung pananaw natin ay gusto nating matuto, “open to learning”. Sabi nga nila, totoy marami ka pang kakainin, we have to be positive to learning, pangatlo ituloy ang pagaaral , hindi porket naka-graduate na kayo dito sa Dualtech tapos na ang araw ng inyong pagaaral, hindi po. Kinakailangan ipagpatuloy ang paghahasa tungkol sa ating propesyon. Ang paggawa ng tama. Yun yung sinasabi sa kompanya, ung nag I-ISO for improvement, walang katapusang pag aaral, pag improve sa iyong kaalaman at kayamanan? Kung kayo’y nagbabasa ng bibliya, anung sinabi ni Lord? “Be perfect as your heavenly Father is perfect” yung pong ating perpeksyon matatamo natin hindi sa mundo, kundi sa kabilang buhay. Naniniwala ba kayong may kabilang buhay?
No. 4. Magtanong kung hindi alam ang isang bagay sa gawain, huwag mahiyang magtanong. Ito po ang napapansin ko sa mga Pilipinong mangagawa, lalu na yung mga nagtatrabaho sa multi national companies. Kapag may dumarating na banyaga o sa ating salita “Foreigner” yung Pilipino, kagaya po ng mga tao namin na nag seservice sa mga kompanya pag may nakita siyang puti o itim yan ay hindi na tutuloy ng paglalakad, maghahanap ng daan papunta sa kaliwa o kanan, iiwasan ang taong dumarating, bakit? Nahihiya. Huwag po tayong mahiya lalo na sapagkat kayo ay Pilipino, ipagtanggol ang inyong dugo at balat. Ang susunod na punto, sabi ng valedictorian nyu” Pagtulong sa kapwa, hindi sa sarili, pagtulong sa kapwa sa pamilya, sa mga kasamahan sa trabaho, sa kaibigan na walang tinatanggap na kapalit. Yun ang tinatawag na “Spirit of service” yung tinatawag na “Developing relationships” sapagkat mahalaga po yan sa ating buhay lalo na tayo ay nagtatrabaho dapat na walang kaaway sapagkay ang kaaway maraming masasabi laban sayo, ang tapat na kaibigan ay hahanapin ang mga bagay na makakabuti sa kanya, sa kapwa kaya ang masasabi ko rito maging isang tapat ng kaibigan sa Panginoon. Subalit may isang taong nagpakamatay para sa inyo, kilala nyu ba kung sino siya? Si Hesus siya ang inyong kaibigan. Harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay huwag mawalan ng pag-asa habang ikaw ay buhay may pag-asa.
Lahat ng problema ay may solusyon, walang problema na walang solusyon, lahat meron. Ang problema satin, tayo. Unang una hindi tayo marunong humingi ng tulong, akala mo si superman ka, si spiderman na kaya mo na lahat, hindi po natin kaya. Anu sabi ni Lord, kung wala ako balewala. Pangalawa hindi tayo marunong maghintay, gusto natin yung solusyon labas agad, siguro yan yung influence ng computer, pag pinindot mo labas agad. Pangatlo hindi tayo mapakali lalu na ang mga magulang pag may problema hindi makatulog. Gawin mo ang dapat mong gawin at ibigay mo kay Lord, sabihin mo sa kanya “Lord ikaw na ang bahala, hindi ko po kaya”. Ito ang huling punto, sipag at tiyaga. Para ka magtagumpay, Tatak ng Tagumpay, yan Tatak ng Dualtech, sipag at tiyaga.
Mayroon akong nais ipahiwatig sa inyo, lalung lalo na sa mga nag-graduate, baka wala pang nakagawa, ito yung tinatawag kong Balik Dualtech. Hindi porket natapos na kayo ay kakalimutan na ang Dualtech, sana minsan isang araw sa loob ng isang buwan, sa loob 3 buwan, sa loob isang taon, bumalik kayo dito, sapagkat andito ang mga namumuno, mga kasama natin na handang tumulong sa inyo. Tumulong sa paanong paraan? Ipagpatuloy ang inyong magandang inumpisahan. If you are abroad, hindi naman pwedeng pumunta kayo dito, mag email kayo para malaman ng Dualtech, anu ng nangyare sa sayo, ilan na ba ang asawa mo, ilan na ba ang anak mo, baka ikaw ay may ari ng isang kompanya. So dun sa Balik Dualtech na yon hindi lamang ang sarili mo ang iyong pangangalagaan, kundi ang Dualtech mismo. Baka ang grupo nyu ay gustong mag-umpisa ng isang campaign na tinatawag “Piso para sa Dualtech araw-araw. Piso itatago mo, itatabi mo, piso araw-araw, sa loob ng isang buwan, magkano yun? 30 pesos. Baka may trabaho na kayo, baka gusto nyung dagdagan, sa loob ng isang taon ilan yun, yung piso, 365 diba. Kulang pa pambayad sa toll kung ikaw ay dadaan ng skyway, baka gusto mong dagdagan at yan ay ibigay mo sa Dualtech, bilang pagtanaw ng utang ng loob ng minsan sa inyong buhay ikaw ay natulungan.
Latest News
-
Dualtech and Ibiden Philippines visit Bohol communities for career talks and CSR initiatives supporting ALS teachers and learners
Dualtech Training Center, in partnership with Ibiden Philippines and the DepEd Bohol Division, has been actively supporting Alternative Learning System…
-
Dualtech Alumni Homecoming 2024 recognizes achievements and builds community bonds among Dualtech graduates
On November 23, 2024, Dualtech Alumni Relations Office held the Homecoming event, bringing together graduates and current staff for a…
-
Samar, Leyte local government partners with Dualtech to uplift youth through skills training under Zero Extreme Poverty 2030
In an effort to support the youth of Arteche, Eastern Samar, representatives from Dualtech Center visited Mayor Boie Evardome to…