Fueled by Inspiration

Calzado-2019Today, we are all witnesses to another batch of life stories and testimonies of how technical vocational education and training pave the way for turn-around and offer great possibilities for a much brighter future. As the country preps up for the fourth industrial revolution, ASEAN integration and other developments with the global environment. Our capacity to respond to the challenges that this new economic landscape and work systems will bring shall dictate our competitive edge.” – Dir. Rebecca J. Calzado | Deputy Director General, Partnership and Linkages Office | TESDA


Congratulations!

Sapagkat alam ko, dalawang taon. Sabi niyo sa wakas! It is a very well deserved and earned graduation sapagkat alam kong hindi po naging madali ang inyong dalawang taon kung saan kayo ay nagsanay dito. At alam ko rin na yung pagsasanay ninyo dito ay hindi lang sa tinatawag na skills kundi kabuuan na hubog nito. Sabi na nga ni Jezreel, yung ating one of the top graduates. Na pati yong inyong values at kabuuan ninyo ay mahuhubog dito sa Dualtech Center. So yang mga ngiti na nakikita ko ngayon sa inyo ay talagang well deserved po yan. Compared sa mga magulang na hindi ko po alam na parang mas malaki po ang ngiti nila kesa sa graduates naten. Congratulations din po! Nandito na po sila,  and of course to the honor students.

Eh dito kakaiba. Pag akyat dito, yung graduate nakangiti, pero yung magulang kinakabahan. Siguro sabi nila, “Hindi ninyo naman sinabi na aakyat ako sa entablado” Pero it was a very nice and good surprise. Imagine that nakasama ninyo ang iyong anak, kapatid, tito o mahal sa buhay dito po sa entablado. Para mabigyan o masabitan po ng medalya. Lalo na yung kay Jezreel na akala ko ay dala ang buong barangay ng Tagbilaran City. Ngayong nangyari po na nabigyan ninyo ako ng pagkakataon na basahin itong mensahe. It is indeed an honor to address you today on these commencement exercise of Dualtech Center. Specially this year when Dualtech Center celebrates its 37th founding anniversary.

Calzado-2-2019

Today, we are all witnesses to another batch of life stories and testimonies of how technical vocational education and training pave the way for turnaround and offer great possibilities for a much brighter future. As the country preps up for the fourth industrial revolution, ASEAN integration and other developments with the global environment. Our capacity to respond to the challenges that this new economic landscape and work systems will bring shall dictate our competitive edge. Alam po natin na talagang partner ang TESDA sa paghubog at pag develop ng Filipino workforce at kinikilala ng Philippine Tech-Voc system na kailangan sumabay or in sync with the industry to be able to produce better human resources that are flexible and adaptable to the changing work environment. Partnership with the industry and the academe with the development of Tech-Voc are a potent formula to bridge the supply and demand gap to continuous development of competent workers whose skills are aligned to the requirements of the industry.

Alam po natin yan na talagang napakahalaga po ang inaalok at binibigay ng Dualtech Center na kontribusyon. Beyond sa pag bigay ng opurtunidad for dual training system. So I will therefore also like now to address the trainees again na under DTS for establishing a good reputation for the product of this training delivery mode. As you may already know, when you are deployed to the different establishments, nakita ko po dito yung iba sa inyo lalakad ngayon, aakyat sa entablado, sa lunes siguro trabaho na. I see you being trained and employed in the establishments during your in-company training. Your status remains to be trainee, pero sa lunes ano na yun sir? Worker na. Yung iba na hindi pa nakakahanap ng placement, kung ako kayo, hindi po ako mag aalala sapagkat alam ko dahil sa kasanayan na nakuha ninyo ay mapapadali po ang paghanap ninyo ng maayos na trabaho. Infact, at pagkaalam ko po yung iba, meron pong mga partners dito at companies, medyo naka abang. Tumitingin na sa inyo kung sino-sino ang gusto rin na sumama sa kanilang mga kompanya. Your performance was observed and assessed as your readiness to be part of the future workforce. That is why we hope that your performance as advocates and promoters of DTS, more establishments would want to partner with our TVI`s  in the training delivery.

Ang hihingin lang po namin sa inyo, kung maari lang ay ikalat ninyo yung magandang balita. Ang naging magandang experience po ninyo dito sa Dualtech Center kasama narin ang mga partners. Nang sa ganon ay mas marami pong ma e-enganyo na mag DTS tulad ninyo. Nagulat din po ako kasi ang alam ko dito lang sa Laguna, sa Metro Manila o sa Luzon galing ang mga trainees, pero nakita ko kung saan-saan po pala kayo galing,  at yan ay naging napakagandang impormasyon na nakuha ko. Kung ilan sa inyo ang babalik din sa sarili ninyong mga tirahan o sa probinsya ay madadala rin ninyo itong magandang balita. Sa iba naman sa inyo na nandito mananatili, alam kong magandang balita din yun sapagkat hindi naman sarili ninyo ang matutulungan ninyo, matutulungan rin ninyo ang inyong mga pamilya. So hindi na hihingi kay nanay at saka tatay no? Hindi na hihingi ng baon o ano pa man. Kayo na mismo siguro ang makakatulong at makakapagbigay sa inyong mga pamilya.

Congratulation to Dualtech Center for being able to provide to students the specific and individual learning requirements. Your students and trainees not only have enriched environment for learning but also enriched outlook for a brighter future where they are empowered to reach their full potential. Fueled by inspiration, lessons and values they learned inside the school.

Matagal na partner din po ng TESDA ang Dualtech, ang inyong matatawag na training center or eskwelahan. Matagal na pong nakikipag partner sa TESDA at kami po ay lugod na nagpapasalamat din na nakakatulong po sila. Sapagkat alam po namin na hindi talaga namin mahahakot lahat. Maraming salamat po Dualtech Center. Ito po nasabi ko narin pero uulitin ko parin. Congratulation sa mga magulang! Pinayagan ninyo ang inyong mga anak. At hindi niyo lang pinayagan, talagang sinuportahan ninyo. Thank you for teaching your children to dream big. Managinip ng malaki, to dream big and to be focused in achieving that no matter what comes in between will never dampen the result to reach your dream. I know that for some of the parents, this graduation ceremony was their unfulfilled personal dream. Maari po na kung hindi nakamit ng inyong mga magulang ay sa inyo naman makita na maka - usad sa buhay at makamit ang kanilang mga panaginip.

Nais ko rin sabihin na ang boss ko, Secretary Isidro Lapena ay laging niyang pinaaalahan kami. Ang trabaho po ng TESDA, kasama ng kanyang mga partners ay hindi lang po kasanayan. Kinakailangan ay hindi lang training, it has to be training with a purpose. And the purpose of training is livelihood after. Araw - araw po yan. Hindi pupuwedeng training lang. So tulad din ninyo, nais kong iparating ang mensahe ng aking kalihim, meron pong purpose itong pag sasanay ninyo. Hindi po nagtatapos diyan, kailangan magamit ito bilang step o paraan para makakamit kayo ng magandang trabaho, magandang pagkikitaan at nang saganon magkaroon kayo ng pagkakataon na magkaroon ng mas magandang buhay.

Secretary Lapena has always told us itong sinimulan kong tagline na “TESDA abot lahat””. Ang ibig sabihin niyan ay ito ang guiding principle in implementing all event programs of TESDA under his supervision na may kasanayan na pwedeng tumbasan din ang nasa ibang bansa na makakaabot po ang TESDA sa mga hindi naabot ng pangkaraniwan. So to serve the underserved, to reach out those na hindi sagana sa buhay na tinatawag natin at sa mga kababaihan, sa mga kabataan at sa lahat ng nangangailangan din ng tulong. We are helping them help themselves. At tulad din po ng sinabi ko kanina, hindi po talaga kaya ng TESDA. Gustuhin man ng TESDA na abutin lahat, hindi po kaya ng TESDA na abutin lahat kung wala po tayong mga kasangga o partner tulad po ng Dualtech Center.

Tapusin ninyo ang inyong kasanayan at ang inyong pagaaral at sapagkat ang dami po diyan  na talgang nais mag-aral, magkaroon ng pagkakataon, swerteng swerte po kayo at natulungan po kayo ng Dualtech Center. Meron din diyan mga kompanya na mga partners nila na siyang kukuha sa iyo.

You will be also your own support system yan ang alam ko. Magtutulungan kayo kahit maghihiwalay kayo. Iba ibang kumpanya, ung iba babalik sa probinsya pero alam ko dahil nag-sama kayo ng dalawang taon, di nyo malilimutan ang iyong katabi. Magkamustahan din kayo at sana you will also support each other. Simula lang po ito so I am hoping that in the future you will continue to support each other. Walang mag-iiwanan.

I want to thank and congratulate you on behalf of our Director General Secretary Sid Lapena sa ngalan din po ng TESDA at buong pamilya ng TESDA, congratulation at maraming salamat po.

Share