Be Firm & Prayerful

jezreel-belecina-2019Marami ang nalampasan ko na pagsubok sa training dahil sa turo dito ng pagdarasal at pagpapasalamat sa anumang bagay. Nalampasan ko rin ito dahil sa pagkamasigasig sa anumang trabaho o gawain na ibinigay sa akin. At pagkamatatag sa anumang dagok na dumating at darating pa sa ating buhay. Ang pagiging matatag at madasalin ang naging init ko para lumabas ang aking kinang. Kinang ng puso at isipan, kinang ng pagpapahalaga sa trabaho at kinang para ma-inspire pa ang ibang tao dahil sa nahanap ko dito sa Dualtech ang sarili ko na marami pang pwede pagbutihin pa. – Jezreel A. Belecina, Batch Representative | Awardee, Silver Merit and Outstanding In-Plant Performance

Ang HIYAS ay pinapainitan para lumabas ang tunay na kinang. Habang tumatagal ay lalong nagiging mas mahalaga. May kanya-kanyang kinang, kulay at anyo, pero lahat ay  mahalaga.

Nabanggit ko po sa panimula ang HIYAS. Tinuturing ko ito na tayo, hindi lang mga trainees kundi lahat tayo, ay may kinang na parang sa HIYAS. Bago ko nalaman sa aking ina ang Dualtech, ako ay isang college undergraduate. Natigil ako sa pag aaral dahil sa mga maraming dahilan. Naging raket ko ang paggawa ng graphic designs, posters, nag wedding photographer na din ako kahit puro hiram lamang ang mga kagamitan, taga gawa rin ako ng projects ng mga kakilala ko dati sa school. Lumipas ang mga buwan at halos taon, sa lahat ng mga raket ko ay napapaisip pa rin ako, "20 na ako pero parang wala pa ring significant na nangyayari sa aking buhay". Na para bang ako ay naliligaw sa sarili kong mundo. Hindi ko maipinta kung ano ang mangyayari sa aking hinaharap.

Mag mula sa araw na iyon, ay sinabi ko sa aking sarili na kailangan ko na maidisiplina ang aking sarili para makamit ang mga gusto ko sa buhay. At nagpapasalamat talaga ako dahil nabanggit ng aking ina ang Dualtech at kung ano ito. Nabanggit niya na ang Dualtech daw ay parang PMA at seminaryo sa iisang bubong. Sa pagkakataon na iyon ay para bang nabuhayan ako ng loob at pinanindigan ko ang akong desisyon. Ito na ang hinahanap ko para madisiplina ang aking sarili at mapalapit muli sa Diyos.

jezreel-belecina-2019-b

Marami ang nalampasan ko na pagsubok sa training dahil sa turo dito ng pagdarasal at pagpapasalamat sa anumang bagay. Nalampasan ko rin ito dahil sa pagkamasigasig sa anumang trabaho o gawain na ibinigay sa akin. At pagkamatatag sa anumang dagok na dumating at darating pa sa ating buhay. Ang pagiging matatag at madasalin ang naging init ko para lumabas ang aking kinang. Kinang ng puso at isipan, kinang ng pagpapahalaga sa trabaho at kinang para ma-inspire pa ang ibang tao dahil sa nahanap ko dito sa Dualtech ang sarili ko na marami pang pwede pagbutihin pa. Sa pagbabalik tanaw, higit palang mainam na makaranas ka ng mga balakid sa pagsisikap upang maging buo at matatag ang iyong pamumuhay. Bawat isa pala ay may kasaysayang isusulat sa pamamagitan ng luha at pawis. Sa paaralang ito ay nasalang tayo sa paghubog at pagkilatis upang makamit ang mga katangian (virtues) na kailangang kailangan sa buhay at sa trabaho. Darating ang panahong madaragdagan ang ating mga responsibilidad sa pagawaan, tahanan at iba’t-iba pang larangan. Nawa’y taglayin natin ang mga natutunan natin at ganap na maisabuhay ito lalong-lalo na sa mga panahon na susubukin ang ating katatagan at tibay. Pagka’t maraming mabuti tayong magagawa, marami!

Lawakan natin ang ating isipan at maging handa sa maraming pagbabago. Hindi tayo mawawala sa landas kapag alam natin ang mga katotohanang inilatag ng Diyos para maging maayos ang pamumuhay. Maging mapagpakumbaba tayo (humble) sa pag-amin na hindi kaya ng ating pantaong lakas ngunit sa tulong ng Maykapal, walang imposible.

Aanhin natin ang makamundong tagumpay kundi rin lang patungo sa Buhay na Walang Hanggan? Magsikap tayong mabuti sa mundong ito na maabot ang kaya ng ating lakas; ngunit huwag nating kalilimutan na sa huli tayo ay hahatulan, at titimbangin sa kung anong kabutihan o kasamaan ang nagawa natin sa ating talambuhay. Sana’y lahat tayo ay wasto sa timbang upang makamit ang langit sa piling ng Diyos.

Ako po si Jezreel A. Belecina na taga Tagbilaran City, Bohol. Lubos po akong nagpapasalamat dahil ako po ang napili upang irepresenta ang batch na ito para mag abot ng aming taos pusong pasasalamat, marami ang nagawang tulong ng Dualtech sa amin. Simula nung nag training kami dito, para sa importanteng araw na ito, at sa mga darating pa na mga araw na aming haharapin sa aming buhay.

Category: 
Share