Be the Best Electromechanic

GRecio-052519“No matter where destiny takes you, you should always come back to return the favor, to pay tribute to Dualtech and of course to your Teachers, Faculties, Officers and be significant part of Dualtech history. I am saying this at sana yung history ni Dualtech magdadagan simula ngayon araw na ito.” --Dir. Guido Recio, Laguna Provincial Director | Department of Labor and Employment (DOLE)

As I browsed Dualtech website few weeks ago, I came across the history of Dualtech which was written by your President Engr. Morfe. It is a brief but very interesting first-hand account of origin of the Dualtech. Why am I saying this?  Because I want to emphasize to the graduates that you will be leaving the portals of your Alma-mater today or tomorrow. But no matter where destiny takes you, you should always come back to return the favor, to pay tribute to Dualtech and of course to your Teachers, Faculties, Officers and be significant part of Dualtech history. I am saying this at sana yung history ni Dualtech magdadagan simula ngayon araw na ito. As your bid farewell to your Alma-mater, I will challenge you many things I will say it later on.

I tried to recall who spoke on my graduation ceremony. I must admit I forgot who the guest speaker was, I am Guido Recio your guest speaker today. Maybe you will forget me this afternoon, tomorrow, six months from now but it is not important. Hindi po talaga importante ang guest speaker, what is important is that I will be reminding you graduates today for what Dualtech committed. Please allow me to explain the commitment of Dualtech. The commitment of Dualtech will be seen by the public through their graduates. So listen carefully gentlemen, for a non-Dualtech people like me, I am from the outside we expect you to be of service for common good. It means apply your skills primarily for the service of the people. Yung skills po na natutunan niyo, yan po ay matutunan niyo ulit at madadagdagan pero we challenge you, to encourage you and perhaps Dualtech entrust you to do it not for yourselves, not for your family but for the common good, for the people and for the Filipinos. 

You should value the highest standards excellence in technical education and I have heard so many stories of Dualtech graduates even non-graduates and in your case we expected to do your best in the field of Electromechanics. Naririnig ko po yung napaka higpit, napaka disiplinary, napaka istrikto ng Dualtech. Kanina po while you are receiving your diploma, nakita ko from your walk, particular po ako diyan, how you express your faces, how you smile to your parents, napaka halaga po niyan. Malamang hindi itinuro sa school yan pero kapag kayo po ay nag apply sa trabaho halos hindi po tinitingnan ang diploma, ang titingnan ay yung personality. Kanina nakita ko po dito sa 60 na graduates. I admire it, I admire them for being like that. 

g-recio-2019May-plaque

Yung isa pa pong comitment ni Dualtech nakita ko is to maximize your greatest potential. Ibig sabihin po nito kung ano man ang natapos niyo ngayon, (yung medals pagkatapos niyo ngayon pagdating sa bahay ilalagay niyo sa dingding napaka halaga po niyan), pero sabi nga po ng graduate kanina ito na yung simula, do not stop learning. Kami po mga malapit na magretire hindi rin po kami natatapos ng pag-aaral. Ang pag-aaral ay hindi lamang sa eskwelahan, hindi lamang sa mga partner companies, lahat po ng inyong nakakasalamuha ay pag-aaral, so I encourage you to be with people. 

Keeping the culture of quality excellence. Na mention ko po kanina about the stories of Dualtech students at ito ay hindi ko malilimutan. Uulitin ko po noong nakita ko po kanina yung isang noong isinabit ng isang graduate ang kaniyang medalya sa kanyang magulang, ito ay malamang itinuro ng Dualtech or itinuro ng parents. Yung natutunan sa bahay at natutunan sa eskwelahan ay napakagandang simula niyan kapag kayo ay nag-apply ng trabaho.

As you joined the labor force, the security of your employment largely depends on you. Sa Department of Labor, palaging sinasabi ano ba yung security of employment. Ito yung rate ng hanap buhay, ito yung lumalagpas ng probitionary. Totoo po yun pero yung tunay na security employment ay nasa inyo. Sabi po ng aming dating secretary, yung security of employment is skills. Bakit po ganun? Kasi para ikaw ay maging regular ngayon sa isang company pero  natanggal for so many reasons, at dahil ikaw ay skilled at ikaw ay may magandang attitude madali kang matatanggap sa isang company. So remember maaring mawala ang skills, maaring mawala ang attitude pero maintain it kasi yun po ang mananatiling reference or qualifications para kayo ay matanggap muli para sa isang trabaho. You may easily be deployed. You may retire from a company, you may want to resign pero yung inyong employer ay maaring magustuhan kayo dahil sa inyong skills at attitude.

As you leave the portals of your institution, yung “Work at Virtue” napaka halaga ng dalawang salita dahil po ang mga eskwelahan na napuntahan ko yun po ang kinikintal ng school management at owners. 

In your 2 years of staying here in Dualtech, kanina po nakikita ko ay may Bohol, may Mindanao, may mga taga Calamba at may Bicol, huwag niyo po kakalimutan itong Work at Virtue. Iyong Virtue, napakalawak, ayoko pong magsalita diyan dahil mas maraming mas magagaling sakin diyan. Mas mahusay kayo. 

Dahil ako po ay taga DOLE, dito ako focus sa work. Iyong work kapag nag-aapply ano ba yung gusto mong trabaho. Syempre kailangan natin ng suweldo dahil kailangan natin mabuhay. Pero habang tumatagal kayo sa company yung suweldo given na yan. Tinatanong kami, ano ba ang rason at nag-stay kami sa company at ako personally kapag tinatanong ako ng mga kasamahan ko bakit ka pa ng stay sa DOLE. Ang lagi ko lang pong sinasabi ay gusto ko ang aking trabaho ko. I love my work kaya mahirap kasi my work equals to my dignity. May mga kasamahan tayo, may mga kababayan tayo, na ang mga trabaho ay presidente ng kumpanya, presidente ng schools, mayroon diyan nagwawalis ng kalsada, may nagtitinda ng balot at sari-sari at alam po natin ang trabaho ay may malaki ang suweldo, mayroon prestihiyoso at mayroon din hindi prestihiyoso. Basta po iyan ay legal at ginagawa ng tama iyan po ay marangal, because work is a dignity. Kapag po tayo ay pinagtrabaho saka na po natin tanungin ang suweldo, tanggapin po natin ito ng taos puso at ibigay natin ang lahat ng ating makakaya kagaya po ng aking mga naririnig sa ibang graduates sa ibang eskwelahan. Maari po siguro katulad ng sinasabi niyo na kayo ay graduate ng Electromechanics, “Be the Best Electromechanics”. Bakit ko po sinasabi ito? Mayroon pong mga lawyers, may mga engineers, nurses at doctors pero kapag ikaw ay graduate ng Electromechanics sisikat ka kasi ikaw ay magaling at paano ka magiging magaling? Magiging magaling ka dahil nasa puso ang trabaho. 

Ibalik natin sa pamilya, sino po dito ang bunso? Oh ang daming bunso, ikaw na nakasalamin ilan kayong magkakapatid? Sampu? Wow ang dami, imagine ikaw ang bunso ikaw yung palaging sinesermunan at inuutusan. Yung mga sermon at mga utos ay dadagdag sa inyong character at take it sa inyong advantage kasi lahat ng pangaral ay nasa iyo. Dahil ang paglilinis ng bahay ay dagdag sa inyong dignidad at kakayahan at magagamit niyo ito pagdating ng panahon at sa inyong trabaho and lastly palagi ko po sa inyo sinsabi sa mga nakakasama ako sa mga graduation kung ano ang iyong trabaho o ano man inyong ginagawa “Put it in your Heart and make the most of it”.

Kanina po sinabi ko sa inyo galing ako sa Kuwait that was 2008. Napakasakit po sa kalooban ko na ako ay madeploy sa Kuwait kasi ayoko pong pumunta doon. Nag-apply at pumasa ako pero hindi ako pumunta, at sinabi ko sa boss ko “Ma’am ayoko pumunta doon, kasi masarap dito sa Pilipinas, mahirap malayo sa pamilya” at sinasabi po niya sa akin, “Make the most out of it and put it on your heart.” Yun po ang aking di malilimutan.

Share