From Dualtech Scholar to Benefactor

ranzel-duenas"Kaming nakapasok ng Dualtech ay nanggaling sa mahirap na pamilya. Pagsasaka lang po ang trabaho namin kahit wala kaming sariling lupa.    

Pumunta ako ng Manila para mag-aral sa ibang school. Swerte ako na sarado na yung school kaya yung kapitbahay ng ate ko ang nagsabi na sa Dualtech na daw ako mag aral. 

Bagong lipat lang ang Dualtech nung time namin sa Pasay. Nagkaklase kami sa ilalim ng puno. Pinadala ako sa isang kumpanya at swerte naman dahil napakaganda ng training program. Meron silang school training for 3 months tsaka nila papadala sa production. Napunta ako sa pinakabulok na department. Noong una inisip ko, napaka malas ko kasi dito ako sa bulok na department. Bulok ang mga makina. Hindi ko alam yun palang bulok, nandoon pala ang ginto.  

Ginawa kong training ground yung department namin. Aral ako ng aral, wala ako sinayang na oras. Yung mga kasama ko nag lalaro ng computer, ako nag-aaral ng automation hanggang sa nakabuo na ako ng makina. Ang lahat ng nagawa kong makina, ginawan ko ng sarili kong brand, Ranzel Technology.    

Ang motto ng company namin, “impossible is nothing, just do it”. Iyon po nakatatak sa mga makina na ginawa ko kasi ang mindset ko, lahat naman tayo pinanganak na parehas lang. Ang nasa isip ko, yung marunong gumawa ng makina ngayon, nag-aral din sila. Dati rin silang hindi marunong. Kaya lagi nating itatak sa utak, kung kaya ng iba kaya rin natin. Kung marunong sila ngayon, ibig sabihin nag-aral din sila. Hindi naman sila pinanganak na marunong na. Magtyaga lang.    

After ng trabaho, nag-aral na ako ng engineering sa ETEAAP. Dalawang semester naka graduate ako ng computer engineering. After noon nag-apply na ako as assistant engineer sa isa pang company. Pagdating doon, wala din ako alam. So mind set, mga tao doon di rin nila alam ginagawa nila dati, nag-aral din sila. Ang style ko lang ay sa pagtatanong, nag-aaral ako.    
Ang kasama ko doon ay dalawang senior engineers. Ang project naming ginawa ay sa British Petroleum. Iyon ang pag mina ng langis sa gitna ng dagat. Two kilometers ang lalim ng tubig. Magdidrill pa ng 3 kilometers. Doon yung langis kaya mahal. Ang trabaho ko ay control system engineer. Ang pinagtataka ko, bakit ako na-hire?. Bakit hindi iyon dalawang engineers? Yung nakita kasi sa akin yung work attitude ko. 

Inaral ko lahat ng system so kada tanong sa akin ng boss ko na British, alam ko kung ano gagawin. Hindi katulad ng senior engineers, kapag tinanong nya, is this possible? Ang isasagot sa kanya “Sir that work is complex. It is hard to do”.    

Be positive, iyon po ang nagustuhan nila sa akin. Doon na ako nagsimula swertihin sa buhay. Pinadala ako sa UK, ang pinaka matagal ko doon ay 1 month or 6 weeks uwi ulit ng Pilipinas. Papadala ako sa Germany minsan for 2 days para sa isang meeting. Galing po ng UK tapos ipapadala sa Scotland para sa training. Ganoon po ang na-experience ko maraming travel sa iba’t ibang bansa.    

Advice ko sa students, palaging mag-aral. Wag mag sayang ng oras. Everything is possible just do it!    

Mr. Ranzel Duenas    
Dualtech alumnus, now an entrepreneur.
He refers and supports Dualtech scholars from his hometown. He also opened a dormitory which houses Dualtech scholars and graduates. He has donated learning software and computers for learning automation skills.

Category: 
Share