TESDA features two Dualtech Graduates to promote Tech-Voc

Tesda-avpTo encourage more students to consider technical vocational career, TESDA featured two Dualtech graduates who shared their humble stories and professional success. TESDA will use their narratives in promotional materials.

Ibrahim Palmado
Senior Engineer, BAG Electronics

Ako ay taga Tayabas City, Quezon province. Bago ako pumasok ng Dualtech, ako ay isang simpleng estudyante na nangangarap ng magandang buhay. Nagsasaka ang mga magulang ko at yun ang ikinabubuhay namin. Magsasaka ka, maghihintay, magtitiis ng apat na buwan kasi hihintayin mo yung anihan. Pagkatapos ng anihan, doon ka palang makakatikim ng masarap na pagkain. Pag-naani na ng palay, bihira lang din kami noon makatikim o makakain sa fastfood.

Pumunta ang Dualtech sa school namin na nag-ooffer ng Dual Training at na-amazed naman ako dahil sabi ko eto na siguro yung hinihintay ko. Iyong mga dating estudyante ng school namin ay nakagraduate na ng Dualtech. Sabi nila after six months muna mag-aaral, then nasa company kana. Mayroon ka ng allowance na ibibigay sayo at the same time natututo ka pa. Iyon talaga yung goal ko nung time na yun.

Napaka in-demand ng graduates ng Techvoc kasi one week lang ako nagpahinga pagkagraduate ko, umuwi lang ako ng probinsya at kinuha ko yung ibang gamit dahil hired na ako sa company. Pagdating sa company ay wala kanang gaanong adjustment na gagawin. Kung paano mo ia-apply yung skills ay wala namang gaanong difference and yun naman yung advantage. Isa din siya sa naging road ko kung ano yung mayroon ako ngayon. Ipinakita ko talaga na halos wala namang difference if you are Bachelors graduate or sa Techvoc because kami yung mismong nakakaramdam kung anong problema sa makina.

Sa first salary ko ay nagpalinya ako ng kuryente sa bahay. After 3 months of work sa company, nakabili na kami ng telebisyon na second-hand. Gasera lang talaga yung gamit namin at kung hindi pa ako makakagraduate noon, malamang tyaga padin kami sa gasera hanggang ngayon.

ibr-palmado

Noong 2010, nag-aral ako sa ETEEAP ng mechanical engineering sa Lucena. Noong 2014, nag take naman ako ng Master Degree dahil sa pangangailangan na din ng job kasi na-assign ako sa management. Nagfocus ako sa legal compliance at ngayon ay na-assign ako as Environmental and Safety Senior Engineer sa isang German company.

Kung dati kubo lang yung tinitirahan namin pero actually ang tawag sa amin ay dampa. Ngayon, bato na siya na masasabi na natin na nasa middle class na ng pamumuhay. Masasabi ko na isa ang training ko sa pinaka core tool na meron ako. Kahit sabihin na ang trabaho ko ay nasa management, kahit saan ako ma-asign, kahit dalhin nila ako ulit sa engineering, dala ko pa din yun skills kasi nakatatak na sa akin yon. Iyon na talaga yung pinaka foundation ng career ko.

Naging part na ng buhay ko yung mag-share ng experience. Actually, yung kapatid kong bunso ay pinagtapos ko na dito sa Dualtech. Kahit yung pinsan ko ay pinagtapos ko din dito at nasa Japan na siya ngayon. Isa ako sa nagpropromote ng Techvoc course kasi alam ko sa sarili ko na magandang paraan ito para mabago ko yung pamumuhay ng mga kasama ko, kapamilya ko.

Ako si Bryan, Senior Engineer na ngayon.


Jhuvie Orejas
ASEAN Service Manager
Hospira

Ako po ay nakatira sa Makati. Ang tatay ko ay dating karpentero mula sa pinakamababang trabaho hanggang sa finishing . Ang nanay ko naman ay nagbebenta ng pantalon at longganisa. After EDSA revolution, she got a job in MMDA as street sweeper. Pangalawa po ako sa apat na magkakapatid.

jhuvie-orejas

Noong pagkagraduate ko ng high school, wala kaming kakayahan financially at ang tinitingnan lang po namin ay kung saan makakapag-aral ng walang tuition fee. Yung nanay ko kasi ay active sa church at yung churchmate niya ay instructor sa Dualtech. Nabanggit nya and naikwento sa nanay ko na merong Dualtech na nagpoprovide ng scholarship. Fortunately, I was admitted sa program. Wala po kaming kakayahan na mag-college and the only option that was available that time was Dualtech.

Dualtech is my foundation. Dualtech does not only provide the technical skills. Noong nag join ako sa workforce, ang nakita kong advantage ay may edge o mas madaling pumasok sa factory yung may technical background ng mga graduates although competitors din namin sa pag-aapply yung mga graduate ng mga colleges. Ang kagandahan sa Dualtech is 2 years na experience namin sa factory at yun yung nakita kong advantage namin. We have the technical experience and we were trusted to do the job. Kung anong ginagawa ng regular, ginagawa din namin; yung trouble shooting, welding, electrical troubleshooting, motor rewinding, motor control, aircon repair, compressor, ito yung mga magandang ibinigay na exposure sa amin during sa inplant training. Ang kagandahan kasi ng Dualtech is focus yung virtues and right attitude ng mga estudyante. Malaking bagay ito and even my boss was also telling me na “you can teach a skill but the attitude hindi”. Yung skills kasi madaling matutunan given the right attitude.

Noong nakatapos ako ng Dualtech, mayroon akong magandang trabaho because of the skills and experience na natutunan ko. I still completed my bachelors degree in computer engineering through the ETEEAP program in 2006. After that, I also proceeded to complete my masters degree in engineering management sa MAPUA. At the moment, I am completing my degree in a Doctoral Program in University of Makati.

It was a funny story noong una because I did not pass the physical requirements in my sponsoring company because of my height and weight and that was understandable considering the work sa factory. I applied for job elsewhere and then one night umuwi ako sa amin. Nandun yung mga kasama ko sa dating company at pinapasundo ako ng factory manager. Ang sabi, hindi kami aalis dito hanggat hindi ka magrereport sa amin bukas. The factory manager was able to convince the HR manager na mahire ako kahit na hindi ako pasok doon sa requirements. I believe na this was because maganda kong attitude and virtues noong ako ay nag ttraining pa. I worked for different industries and I was involved in the Manufacturing in Electronics, Semiconductors, Quality Engineering System. Ngayon, most current is the biomedical engineering.

Kaya po ako hanggang ngayon is pabalik-balik sa Dualtech as much as possible ay para makacontribute sa ibang mga estudyante sa mga nagkaroon ng exposure sa factory. Because of the experience, secured ako sa paghahanap ng trabaho. I would recommend Dualtech because of work values and work attitude.

Ako ay 44 years old na at sa ngayon ay meron na po akong asawa at lima ang anak.

Ako po si Jhuvi, nangarap sa tulong ng Dualtech at ngayon ay isa ng ASEAN Service Manager.

Share