Aim for Greater Things

Darwin-HerillaLagi nating tandaan na hindi lahat ng pag kakataon ay magugustuhan natin ang trabaho o gawaing ibibigay sa atin. Hindi lahat ng bagay ay naka-ayon sa kagustuhan natin. Matuto tayong mag tiyaga at mahalin ang ating ginagawa, hindi tayo bibigyan ng Panginoon ng problema o gawain na di natin kayang lampasan at higit sa lahat aim higher, wag natin bigyan ng limitasyon ang ating mga sarili. Lagi natin isipin na kaya nating mas higitan pa kung anu man ang meron tayo ngayon. Dadating at dadating ang panahon na makakaramdam tayo ng kagustuhang sumuko,  ngunit lagi nating tandaan na nandyan ang Panginoon upang mahingian natin ng lakas upang mag patuloy sa laban ng buhay. -- DARWIN HERILLA | Awardee, Merit, Outstanding In-school and In-Plant, and Learning Excellence | Trained and employed at Nexperia Philippines

Hindi ako nakapag-aral agad dahil sa matinding pangangailangan sa pamilya. Marami na akong sinayang na oras noon, kaya’t hindi ko naipagpatuloy ang pag-aaral. Ang aking ama lamang ang nag- tatrabaho sa amin at may dalawa pa akong kapatid na nag- aaral. Kaya napag- desisyunan kong mag- trabaho muna at mag ipon upang makapag- aral ulit.

Lalo kong naisip ang importansya ng edukasyon dahil na rin sa mga karanasan at sitwasyon ng aking mga naging katrabaho na high school lamang ang tinapos. Sa loob ng tatlong taon ay apat na iba’t-ibang kumpanya na ang napag-trabahuhan ko. Hanggang sa dumating ang araw na sinabihan ako ng aking ina na “kailan mo ba balak mag aral ulit?”, may ipon ako noon ngunit alam kong hindi pa ito sapat para masuportahan ang lahat ng aking mga pangangailangan sa pag- aaral at sinabi nya sa akin na, “sige na ituloy mo na yan at gagawan na lang natin ng paraan”. Kinabukasan mismo ay nag resign ako sa kumpanyang pinag tatrabahuhan ko. Nag inquire ako sa isang paaralan dito sa Canlubang na nag- ooffer din ng vocational course ngunit sa kasamaang palad ay hindi sila natanggap ng freshmen dahil sa implementasyon n k-12 program ng DepEd.

Pinanghinaan ako ng loob, akala ko ay di na ako muling makakapag- aral. Pauwi na sana ako noon nang may nakita akong estudyante ng Dualtech at naalala ko ang nabanggit ng aking tiyuhin tungkol sa Dualtech dahil may mga OJT din sila dati sa kanilang kumpanya na nag- aaral din dito. Kinausap ko ang estudyanteng aking nakita at nasaktuhang papasok na din sya sa eskwelahan kya nakisabay ako papunta sa Dualtech. Noon din mismong araw na yun ay nag exam ako at kinabukasan ay orientation agad.

Hindi naging madali ang training ko sa Dualtech dahil nanibago ako kasi less discussion and more on hands-on. At higit sa lahat “self driven learning” dito. Kinakailangan pag pasok mo pa lang ng classroom or workshop alam mo na ang gagawin mo at nandyan lamang ang mga learning facilitator upang bantayan kung tama ba ang ginagawa nyo. Hindi ako mahilig o sanay mag- review kaya hindi talaga naging madali ang ganitong sitwasyon sa akin. Buti na lang at nandyan ang mga mentors at adviser upang gabayan kami at lalo na at tinuturuan kami dito na maging malapit sa Diyos kaya nagawa kong lampasan ang pagsubok na ito. At nandyan din ang mga seniors o mga estudyanteng mas nauna sa amin upang gabayan at turuan kami kung ano ang mga dapat namin gawin at dapat aralin. Kaya hindi lang technical at maging matiyaga ang natutunan ko dito pati na rin ang kahalagan ng pag darasal at pagsisimba Linggo linggo.

Nakapagtraining ako sa Nexperia Philippines Inc. bilang isang Development Process Technician. Sa simula ay di ko nagustuhan ang ginagawa ko dito dahil ang nais ko ay ang mag- kumpuni ng mga nasirang makina, ngunit naaalala ko ang tinuro dito sa Dualtech na mag- tyaga at mahalin ang ginagawa, “to always give your best”. Kalaunan ay nagustuhan ko na rin dito dahil narin sa marami akong natutunan tungkol sa product assembly at development at higit sa lahat ay hindi naging iba ang turing nila sa mga OJT kahit engineers at managers pa sila.

Lagi nating tandaan na hindi lahat ng pag kakataon ay magugustuhan natin ang trabaho o gawaing ibibigay sa atin. Hindi lahat ng bagay ay naka-ayon sa kagustuhan natin. Matuto tayong mag tiyaga at mahalin ang ating ginagawa, hindi tayo bibigyan ng Panginoon ng problema o gawain na di natin kayang lampasan at higit sa lahat aim higher, wag natin bigyan ng limitasyon ang ating mga sarili. Lagi natin isipin na kaya nating mas higitan pa kung anu man ang meron tayo ngayon. Dadating at dadating ang panahon na makakaramdam tayo ng kagustuhang sumuko,  ngunit lagi nating tandaan na nandyan ang Panginoon upang mahingian natin ng lakas upang mag patuloy sa laban ng buhay. Alam ko na bawat isa sa atin ay may kanya kanyang dahilan kung bakit nagawa nating makapag tapos. Hindi rin naging madali ang pinag daanan natin para makarating dito. Sana ay mag tagumpay tayong lahat sa mga laban pang haharapin natin.

Maraming salamat sa Dualtech sa maayos na edukasyon at magandang mga gawain na itinuro sa amin dito. Ganun din sa mga partner companies ng Dualtech na sumusuporta sa aming mga trainees. Sa Nexperia na kung saan ako nag OJT at ngayon ay kumpanyang pinag-tatrabahuhan ko na. Sa mga Learning facilitators mentors, sa aming mga Industrial Coordinators at sa lahat ng Dualtech Staff. Sa aming mga magulang, na walang sawang sumoporta at laging nandyan para kami ay gabayan. Maraming salamat po. Taos puso po kaming nagpapasalamat sa inyo. At higit sa lahat Sa ating Panginoong Diyos na gumagabay at nag- kaloob ng lahat ng mga biyayang natatanggap natin.

Share