Dualtech Center guests at DZMM’s Lingkod Kapamilya

teleradyo-1ABS-CBN Integrated Public Service Office featured Dualtech Center at DZMM’s Teleradyo Program, Lingkod Kapamilya, hosted by Ms. Julius Babao and Ms. Bernadete Sembrano. The teleradyo program airs every Friday from 11:00AM to 12:00NN. This public service program features inspiring stories and solutions towards the plight of the Filipinos. Engr. Jerry Webb E. Muhi, Dualtech’s Executive Director and Mr. Jun Simbulan, alumnus, who owns his own business were interviewed last June 15, 2018.

Engr. Jerry Webb Muhi, Executive Director of Dualtech Center

Dualtech Center has a technical vocational program which is accredited by TESDA. Ang essence ng programa ay “students have the basic training for 6 months and then the remaining 18 months are in the partner companies.” Yung mga estudyante sa Dualtech, pagdating sa iba’t-ibang pagsasanay sa kompanya ay doon mas nasasanay pa.

teleradyo-2

Ang kurso sa Dualtech ay Electromechanics Technology. Mayroon siyang Electronics, Electrical, and then may aspeto din ng Mechanical. Yung mga nakakatapos ng programa, hired na. Ang mga estudyante ngayon kung ikukumpara sa requirement ng different companies ay kulang sa dami ng kailangan ng mga companies. Every time na may bumabalik sa atin na mga alumni, we can see in them yung magandang klase ng pamumuhay.

Mr. Jun Simbulan, General Manager of Yen Industrial Corporation in Batangas

Maaga akong naulila kaya napilitan na akong pumunta sa Laguna bilang helper boy. Then nag-iisip ako, “paano ako mag-gogrow?”. Kasi talagang salat ako sa buhay noon. Kami lang pong magkakapatid sa probinsya ang sumusuporta sa pamilya. Habang namamasukan ako bilang helper, nasabi ko, “kailangan ko mabago yung sarili ko”. Sinabi ko sa pinapasukan ko, “pwede po ba akong mag-aral na yung mga gawain ko sa umaga ay sa gabi ko na gagawin para sa umaga ay mag-aaral ako”.

Nalaman ko ang Dualtech dahil mayroon po akong school na gusto kong pasukan. Nang sumakay ako ng jeep, may dalawang estudyanteng nag-uusap na nag-aaral sa Dualtech. Sabi nila pag sa ibang school pumasok, kaunti lang malalaman. Pero pag sa Dualtech ka pumasok, doon mo matututunan yung Electrical, Electronics, at Mechanical. Yung dalawang estudyante, sinundan ko at noong nandoon na po ako, nag-inquire na rin ako sa Dualtech. Talagang destiny, talagang tinuro ako para mapapunta at makapag-enroll sa Dualtech.

Bawat turo ng teacher ko, dinidibdib ko, “heto ang dapat gawin mo, huwag kang gagawa ng ibang plano na hindi nakaayon sa program”. Di ko po iniisip yung sahod, ang gusto ko lang po ay maging highly-skilled at maging productive ako. Kasi kung naging productive o highly-skilled ka, yung mga taong may-ari ng company ay pag-aagawan ka. Sa Dualtech ko natutunan yung lahat ng skills, kung paano ko na-apply sa company ko. Kung ano ang pangangailangan ng empleyado ko o kung ano yung hindi niya nalalaman, naituturo ko sa kanila.

Kung panaginip lang po ang lahat ng ito ay sana huwag na ako magising. Maayos po ang nabigay kong buhay sa pamilya ko na noong araw nagdi-dildil lang ako sa asin.

The Lingkod Kapamilya show highlighted the stories of Dualtech Center during the 30-minute live interview; they presented stories of hope that despite financial constraints, students are given occupational skills and apt work attitude that can match industry requirements and eventually lift their lives families from poverty.

Share