Anu ba ang ibig sabihin ng UNLAD?
UNLAD ay “Unahin Lagi Ang Diyos”. Kapag inuna nyu ang Panginoon tiyak magiging matagumpay kayo. Sa paanong paraan tayo magiging malapit sa Panginoon, paano natin siya mamahalin? Sa ating gawa, i-alay ang inyong gawa. Pag-gising nyu sa umaga, lahat ng iyong iisipin, gagawin at sasabihin i-alay natin kay Lord. Huwag kalimutan paalalahanin din natin ang ating mga kasama sa bahay, pag-gising sa umaga ang unang gagawin, magpasalamat, pangalawa mag-alay ng iyong sasabihin, iisipin, gagawin para sa kanya sapagkat kapag ginawa nyo ito may mangyayari sa inyong paggawa. Pulido ang inyong gawa, hindi po tayo pwedeng mag alay sa Panginoon ng isang gawaing palpa. Sa ojt ninyo sa mga kompanya, pag kayo ay gumawa ng palpak natutuwa ba ang inyong mga namumuno?, hindi, yan ang unang una nating gagawin. Pangalawa mahalin ang trabaho. Paano nyu mamahalin ang trabaho. Sabi ko kanina, pulido ang gawa, walang mali at sa takdang panahon ng pagninilay ng trabaho sa ating namumuno dapat “on time”. Yan ang mga sinasabi sa mga kompanya “Do it right the first time” di pwede po yung maganda nga ang ginawa mo pero paso na sa deadline hindi pwede yun.
– Mr. Cesar FP. Corcuera | Trustee, Dualtech Training Center Foundation, Inc.