Two Years I Won't Forget

"Sa Loob ng dalawang taon dalawang bagay lang ang natutunan ko sa Dualtech. Una, Pagbabago... Ito ang isang bagay na hindi kayang tapatan ng kahit anumang yamang materyal o anumang salapi sa mundo.  Siguro bonus na lang ang mga natutunan ko sa aspetong teknikal.  Sabi nga nila mahirap baguhin ang nakasanayan na. Pero  sa tulong ng Dualtech nagawa ko at patuloy na nagsisikap na maging mabuting tao. Pangalawang bagay na natutunan ko sa Dualtech ay ang kung paano mahalin ang kapwa. Mahalin mo ang iyong sarili tulad ng pagmamahal mo sa iyong kapwa at mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa Diyos. Kung tunay mong mahal ang Diyos ay hindi mo siya sasaktan ganun rin ang dapat ang pakikitungo sa kapwa. Marapat na sila ay pasalamatan sapagkat hindi ka nag-iisa."   – Jomar Jose Fausto | Silver Merit and In-school Performance Awardee, Trained at Vishay Philippines, Inc.


   Sabi nila ang buhay ay parang isang aklat, na unti-unting lumalantad ang kwento sa bawat pahinang iyong natatapos at naiililipat, at tulad sa mga nobela at kwentong komiks ang bawat pahina ay may hatid na panibagong pag-asa, panibagong paglalakbay, at panibagong pakikipagsapalaran. Oo mga kaibigan  at sa araw na ito isang kabanata na naman ng ating buhay ang magtatapos. Isang kabanata na kung tawagin natin ay pag-aaral. Ito ang panahon ng pag-aani ika-nga  sa lahat ng pagsisikap, pagpupuyat , pagdidisiplina sa sarili, pagtitiis sa lahat ng pagod at paggising ng maaga.  Ito ang kabanata sa ating buhay na kung saan ang  bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang parte sa bawat kwento’t  karanasang nabuo. Marahil lahat tayo ay mayroong kanya-kanya at magkakaibang kwentong pinag-daanan. Sigurado ako bawat isa ay may maikukukwento sa kanyang karanasan sa loob ng dalawang taon sa Dualtech. Ngunit ngayong araw na ito ay iisang pagtatapos ang ating pinagsasaluhan.  Ikaw, Ako, Tayo. Oo, lahat tayo kabahagi dito sa iisang pagpupunyagi. Hindi ako ang Valedictorian o pinuno ng grupong ito. Hindi akin ang kwento o talumpating ito kabahagi lang ako, at ang bawat kwento nyo ay kasing halaga ng talumpating ito. Ako lang ang inyong boses at napiling kumatawan sa ating grupo .Kung meron mang tatawaging valedictorian o champion ? ikaw yun, Tayo, sapagkat sa mata ng bawat magulang ang makitang magtapos ang kanilang anak at magkaron ng magandang trabaho ay katumbas ng pagkapanalo ng jackpot sa lotto.

Sariwa pa sa aking ala-ala ng unang tumungtong sa paaralang ito. October 28, 2012 Pista ni St. Jude Thaddeus ang patron ng mga nawawalan ng pag-asa, medyo mataas ang sikat ng araw. Ako ay isinama ng aking tiyuhin sa Binondo upang magtanong tungkol sa programa ng Dualtech. Ako ay Nagulat nang makita ang gusali ng Dualtech Manila. Ang mga tanong na sumagi sa aking isipan ay paano nagkasya dito sa ganitong gusali ang isang paaralan at bakit dito sa isang lugar na napakagulo ito itinayo? malayong malayo ito sa paaralaang aking pinagmulan. Nagdalawang isip ako at sinabi sa aking sarili may panahon pa para umatras. Umuwi at bumalik sa dating buhay, kung saan kumportable. Pero sino ba ako, Sino ba si Jomar Jose Fausto bago dumating Dualtech sa buhay niya?

Isang tipikal na kabataan sakristan sa simbahan. mag-aaral ng  kursong B.S. Electrical Engineering sa isang State University sa lalawigan ng Pampanga  pero nakakahiya man pong sabihin isa po akong college dropped-out sa aking ikatlong taon. Anong dahilan? Katigasan ng ulo. Naging masyadong mataas ang tingin ko sa aking sarili noon. Kung may awitin man na makakapagpaliwanag noon ay ang “akala” ng Parokya ni Edgar. Akala ko kasi alam ko na ang lahat ng dapat kong malaman, isang araw nagising ako ayaw ko ng mag-aral dahil akala ko pagod at sawa nako sa pag-aaral, nawalan ako ng pag-asa.

Natatandaan niyo ba ang patalastas ng isang sikat na brand ng kape? At ang pamosong  tanong na  “para kanino ka bumabangon?” noong mga panahong iyon hindi ko alam saan ako patungo o kung para kanino ako bumabangon. I don’t even know my purpose in life. I wake-up everyday do my usual routine without even realizing that time is passing by so fast.

I have a confession to tell you, when I was in the university i used to think that technical graduates have no position in this competetive world that we live. But God proved me wrong. Here in Dualtech I became friends with real people with real problems and real struggles they are not afraid to show there self to the world for who they are. Here in Dualtech we accept the person for who is, not because of the amount money he has in his pocket, or the level of his intellectual capacity. I need not to blame anybody for not graduating with a degree. Because this is exactly where i want to be and where I decided to be. To have real friends is greater than a degree of an engineer. Napakababa ng tingin ko sa mga tech-voc graduates noon, two years lang? Certificate lang? Hindi sa university o college, sa learning center lang? Ganun ang naging pananaw ko pero ganun katalino ang Diyos na dinala niya ako sa isang technical-vocation School. Dito ko naramdaman, nakita at naranasan kung paano mamuhay ang kasama sila. Dito ko nakita ang pagtanggap na matagal ko ng hanap. At ngayon masasabi ko ito ang buhay na gusto ko.

Sa taong ding 2012 ilang linggo lamang ang nakalipas matapos kong tumigil ng pag-aaral ay nadiagnosed ang aking ama na mayroong Stage 3 Laryngeal Cancer. Nagkaroon ako ng krisis sa aking pagkatao sapagkat sa aming magkakapatid ako ang pinakamalapit sa aking Ama.  Hindi ko alam paano ko tatanggapin ang pagsubok na ito. Hinanap ko ang Diyos kung saan-saan , naghahanap ng kasagutan sa aking mga tanong pero totoo ang sinasabi nila. “Don’t find God; God will find you” , and Yes indeed God found me in my darkest hours and redirected my path.

Sa pagkakapasok ko sa Dualtech napatunayan kong  may plano ang Diyos sa bawat isa sa atin kung tayo lamang ay mananalig at makikinig sa kanya. Pormal akong naging mag-aaral ng Dualtech Training Center noong ika labing-19 ng nobyembre taong 2012 sa grupo ng M-300. Ngunit sadyang matigas ang aking ulo at sabi sa aking sarili na isang buwan lang ang itatagal ko dito at uuwi na ako sa amin sapagkat sobrang higpit ng polisiya ng Dualtech. Yun ang nakita ko noong mga unang linggo ko. Ngunit matapos kong malaman ang bawat kwento ng aking mga kamag-aral at kung ano ang naging buhay nila bago sila makapasok ng Dualtech. Ay tila may isang boses na nagsabi sa aking isipan na kailangan mong manatili dito at tulungan mo silang makatapos. Dito nagsimula ang mas malalim na pag-intindi ko kung bakit ganito ang polisiya ng Dualtech. Ito ay para sa aming kapakanan.  Ako ang naging pinuno ng aming section at iisa lang pangarap ko noon na lahat kami ay makapagtapos.  Kung ako man ay naghigpit sa aking mga kamag-aral noon nawa sana’y maintindihan ninyong nais ko lamang na kayo’y makita sa araw na to na nakaupo kasama ko at nakasuot ng toga at handang tumanggap ng diploma.

Sa loob ng 6 na buwan ay ating natutunan ang mga kakayahang teknikal tulad ng welding, machining, electrical lay-out and wiring, motor control, technical drawing, benchwork at electronics. At para sa ispiritwal at personal development andyan ang BCD 1 & 2 at Personal Development Course isama pa dito pagkakaroon ng Misa araw-araw at ang Paring laging handang makinig sa ating pangungumpisal at ang mga coaches  nating walang sawang nakikinug sa ating mga kwento.

 Matapos ang aking 6 buwang training ay nag-apply ako sa one year program ng Dualtech. Naalala ko pang sagot ko ng tanungin ako kung bakit nais kong maging one year program ang sabi ko noon nais kong maghatid ng pagbabago mali pala yun hindi lang ako magdudulot ng pagbabago kundi kabahagi lang ako. bawat isa sa atin maaring maging parte ng solusyon kung gugustuhin lang natin. Habang nasa one-year program ako nakita ko ang tunay na dahilan kung bakit naroon ako, yun ay para makapaglingkod sa aking mga kapwa mag-aaral at upang makilala pa ang Diyos at aking sarili  “Know God, Love God and Serve God; and the rest will follow, you’ll know yourself,love yourself and others,and lastly you’ll learn how to be selfless.”  Sa loob ng dagdag na anim na buwan ko nakita kung saan ako mahina,ang aking mga kamalian at kung ano ang dapat kong baguhin sa aking sarili,at paano maaging responsable sa bawat trabahong nakaatang sa akin. Nakita ko ang aking depekto bilang tao. Mas naging mulat ako at sensitibo sa nararamdaman ng mga tao sa aking paligid. “I learned that if you want to be understood, you should learn how to understand first. I saw what true leadership is, it is being selfless and having the spirit of service within. It is not  a position to bragged or a position of prestige and power.”


Dito ko din natutunan na bawat magandang bagay na nagagawa natin ay hindi dahil sa magaling tayo o matalino, dahil yun sa Diyos. Kung tayo man ay nakatulong sa kapwa pasalamat tayo sa Diyos dahil ginamit Niya tayo bilang instrumento ng kanyang kabutihan. Ngayon masasagot ko na ang tanong kung para kanino ako bumabangon. Bumabangon ako para sa Kanya, sa aking mga kapwa at para sa mga taong naniniwala at umaasa na kaya kong gawin ang mga bagay-bagay.  

Ika-2 ng disyembre ng magsimula ako ng In-Plant training sa Vishay Philippines Inc. Isang Semi-Conductor Company kung saan, Ako ay naassign sa New Product Introduction Department kung saan kami ang nagdedevelop ng mga bagong produkto. Dito ko natutunan ang iba’t-ibang uri ng sensor at ang kanilang gamit at ang testing ng mga ito. Nanatili ako sa Vishay sa loob ng isang taon. Hindi lamang ako natuto sa aspetong teknikal dito nagkaroon din ako ng mga bagong kaibigan.Dito ko natutunan na sa isang buong Sistema ng isang makina bawat parte nito ay mayroon ng kanya-kanyang halaga at kanya-kanyang gamit. Maging ito man ay maliit o malaki, mahal man o mura, maiksi man o mahaba. Bawat isa mahalaga. Ganun din tayong mga tao sa mundong ating kinagagalawan may kanya-kanyang ambag sa iisang sistema. Kung wala kayo, baka wala din ako. Kung wala sila,baka wala din tayo. Kaya dapat bawat isa pahalagahan.

Sa loob ng Isang taon itinago ko sa aking mga kasamahan na may sakit ang aking ama. Ayaw kong maawa sila sa kalagayan ng aking ama. Araw-araw pumapasok ako bilang isang masayahing tao.. Nagsusumikap makapaglingkod at makapagpasaya ng tao sa kabila ng paglaban sa kalungkutan at pagdadarasal na sana ay gumaling ang aking ama. Akala ng iba napakatatag at napakalakas ko pero sa loob loob ko ay pinanghihinaan ako ngunit aking napagtanto kung ang ama ko ay kayang lumaban at harapin ang sakit niya ng buong tapang bakit ako mismo na dapat nagbibigay lakas ng loob sakanya, takot. Sa mga oras na yun isa lang nasa isipan ko ang dumating ang araw na ito at makita niya akong umakyat sa entablado nakasuot ng toga at may hawak na diploma. Yun ang tangi niyang hiling ng mga panahong iyon ang makita niya akong makapagtapos. Ngunit  muli akong biniro ng tadhana, ika-18 ng Mayo taong sa kasalukuyan dumating ang bagay na hindi ko inaasahan. Sumakabilang buhay ang aking ama. Ang pangarap niyang makita ako sa araw na to ay kailanman hindi na matutupad.  Pero alam ko may plano pa rin ang Diyos sa akin.


Aaminin ko minsan rin akong nawalan ng pag-asa at muntik ng sumuko sa pag-aaral sa Dualtech ngunit inalala ko ang mga taong maaapektuhan at masasaktan kapag ako ay tumigil, ang mga magulang ko,ang mga ate ko, ang mga tiyahin at tiyuhin ko, bawat miyembro ng aming pamilya, lahat ng taong tumutulong sa pag-aaral ko, at lalong lalo na ang mga taong may mataas na ekpektasyon sa akin. Ayaw ko silang mabigo.  Sila ang naging inspirasyon ko para tumuloy sa aking pag-aaral. May isang taong nagsabi sa akin na huwag masyado isipin ang sarili upang hindi kainin ng kalungkutan. Sabi niya “you work best when you think less of yourself” from there I discovered the true meaning of happiness, True happiness comes when one person learns how to forget one-self and starts to think for other’s well being” kalimutan mo ang iyong sarili at alalahanin ang kapakanan ng iyong kapwa at matatagpuan mo ang tunay na kaligayahan tulad ng paglimot ng mama sa krus sa kanyang sarili, para sa kasalan nating mga tao.


Sa Loob ng dalawang taon dalawang bagay lang ang natutunan ko sa Dualtech. Opo dalawa lang talaga. Una, Pagbabago... Ito ang isang bagay na hindi kayang tapatan ng kahit anumang yamang materyal o anumang salapi sa mundo.  Siguro bonus na lang ang mga natutunan ko sa aspetong teknikal.  Sabi nga nila mahirap baguhin ang nakasanayan na. Pero  sa tulong ng Dualtech nagawa ko at patuloy na nagsisikap na maging mabuting tao. Pangalawang bagay na natutunan ko sa Dualtech ay ang kung paano mahalin ang kapwa. Mahalin mo ang iyong sarili tulad ng pagmamahal mo sa iyong kapwa at mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa Diyos. Kung tunay mong mahal ang Diyos ay hindi mo siya sasaktan ganun rin ang dapat ang pakikitungo sa kapwa. Marapat na sila ay pasalamatan sapagkat hindi ka nag-iisa.

Sa loob ng dalawang taon unti-unting nasagot ang mga kasagutan ko at aaminin ko nagkamali ako sa maling paghusga ko sa Dualtech. Kung bakit sa maliit at magulong lugar nito piniling maitayo noon ay dahil nais ng Dualtech na ipaalam na ang paglilingkod sa kapwa ay walang pinipiling lugar at katayuan sa buhay. At Oo, nagkamali ako wala sa laki ng establisyemento ang kaalamang maaring mong matutunan nasa kagustuhan mo itong matuto at nasa puso’t isipan mo ang pagpapahalaga dito. Lumipas man ang panahon madagdagan man o mabawasan ang mga gusali. Ang Dualtech sa Puso natin Mananatili.

     Sa loob ng dalawang  taong pag-aaral sa Dualtech maraming tao ang tumulong sa atin. Nais ko silang pasalamatan. Salamat sa bawat gurong nagbigay ng oras at buong puso’t tiyagang itinuro ang bawat subject. Salamat sa bawat Coach na walang sawang nakinig sa aming mga suliranin at nagbigay payo, Salamat sa bawat Industrial Coordinator na walang sawang dumalaw at bumisita upang kami ay kumustahin sa kalagayan namin sa mga partner companies. Sa bawat mentor na nagbabahagi ng kanilang mga karanasan at walang sawang nagbibigay aral sa atin tuwing schooling. Sa ating mga pari na buong puso’t kaluluwang inialay ang kanilang sarili upang tayo at ang Diyos ay mapaglingkuran,sa kanilang  pagbibigay sa atin ng mga sakramento, Salamat po. Ang ating Presidente at lahat ng managers at mga associates na buong pusong naglilingkod sa atin. Sa bawat Ama’t  Ina, tiya’t tiyo, lolo’t lola at mga kapatid na tumulong sa bawat isa sa atin, Sa kanila na walang sawang gumigising ng maaga sa atin para di tayo mahuli sa ating training, Sa kanila na naghahanda pagkaen natin, Sa kanila na nagtiyaga sa mga araw na bad trip tayo. Nais ko ring pasalamatan ang mga Foundation at partner companies na patuloy na sumusuporta sa ating mga Scholars. At ang Diyos na mapagmahal na kung wala siya wala rin tayo dito. Nais ko ring pasalamatan si Mr. Lito Pagayon na siyang naging daan para ako ay makapasok sa Dualtech, ang NPI Department ng Vishay Phils Inc. sa pagturing sa akin bilang isang kaibigan at parte ng isang pamilya kung aming tawagin Maraming Salamat po. Nagpapasalamat din ako sa nanay ko, sa mga ate ko na walang sawang sumuporta sa akin sa nagtiyaga sa katigasan ng ulo ko at ginabayan pa rin ako kina tito Tony at tita Susan,kina tita Mary Ann at tito Jojo na tinuring akong parang isang anak at salamat sa pagmamahal at pag-aaruga.  at higit sa lahat sa tatay ko na naging inspirasyon ko upang magsumikap at magpatuloy upang makamit ang araw na ito. Kung nasaan ka man Dad alam kong masaya ka at para sayo to!


    Nais kong tapusin ang aking talumpati sa isang tulang aking naisulat. Na pinamagatang

“Two Year’s I won’t Forget”

I was once a hatchling in your nest
Where in you feed me and caressed
You gave me hope when I was hopeless
you gave me a home when i was homeless

You gave me a place where I can blend
Two quality years with you,I spent
Straightened my path when it was bent
Believed in me, in times when others can’t

You gave me fortitude when i was sick
Fortified my attitude when i was weak
You taught me how to be proactive
And in any sittuation, not to be reactive

Two years I won’t forget
Two years I won’t regret
Dualtech one word, Dualtech one world
Help me Lord say this but to bid farewell i can afford

We all know that every bird must learn how to fly
I really hate to say this... but i have to bid goodbye
It’s hard but i must try,let me think for a while
Thank you Dualtech! I must say with a smile

Muli po Jomar Jose M. Fausto po ng Section M-300 kabahagi po ng batch 2015 Kaisa ng aking mga kasama taos Puso kaming  nagpapasalamat at tatanaw ng utang  na loob sa Dualtech. Maraming maraming salamat po at pagpalain kayo ng poong may kapal at naway marami pa po kayong kabataang matulungan.

“ Dualtech Alumnus Ikaw ang tinta ng ballpen na sumusulat sa libro ng iyong buhay gawin mo itong makabuluhan at kapupulutan ng aral. Mabuhay ka!”

Share