Turn your Dreams into Reality

mark-catanLahat ng bagay may panahon at tamang oras kung hindi mo pa nakita, hanapin mo wag ka tumigil, mararamdaman ng puso pag nahanap mo na” isa pong kasabihan na nag-inspire sa akin upang magpatuloy sa aking buhay ipagpatuloy mo lang “exert effort and turn your dreams into reality”, ngayon masasabi ko na, “I have accomplished what I want to accomplish.” – MARK JHOELOU M. CATAN | Trained and Employed at Transcendt Technologies, Class Valedictorian | Awardee, Merit, Outstanding In-School and In-plant, and Learning Excellence


May isang taong malapit po sa akin ang nagsabi “wag kang tumigil, lahat ng bagay ay may tamang panahon at oras, In God’s perfect time”, Yes lahat ng bagay may panahon at tamang oras kung hindi mo pa nakita, hanapin mo wag ka tumigil, mararamdaman ng puso pag nahanap mo na” isa pong kasabihan na nag-inspire sa akin upang magpatuloy sa aking buhay ipagpatuloy mo lang “exert effort and turn your dreams into reality”, ngayon masasabi ko na, “I have accomplished what I want to accomplish.”

Ako po ay tubong Quezon, bago po ako napunta dito sa ating paaralan. Nag aral po muna ako sa isang unibersidad. Makalipas po ng isang taon lumipat po ulit ako ng unibersidad, pero makalipas po ng 3 tatlong taon nagkaroon po ako ng problema, kinausap ko po ang aking magulang at mga kapatid na ayoko nang ituloy ito at mag trabaho nalang pero ayaw pumayag ng aking mga magulang. Araw araw ko pong tinatanong ang Diyos kung anu gusto nya talaga para sa akin.  Dito po nagsimula ang aking istorya.

Meron po akong kaklase nung high school na dito po sa ating paaralan nag-aral, regular na po sya sa Honda Cars, na nagsabing subukan ko dito, more on technical and actual daw po dito na iba sa aking naranasan nung nasa unibersidad pa po ako na more on theories. Pero nagbago iyon nung nagsimula na po ako.

Nagsimula po ako noong December 2015. Maraming nagbago sa aking buhay, malayo na ako sa pamilya ko di tulad ng dati nariyan sila palage, kelangan kong gumising ng maaga for almost 4:30 in the morning na hindi tulad dati na hawak ko ang oras ko, kelangan ko magpagupit ng buhok, I tuck in ang aking damit bago pumasok sa school. At higit sa lahat nagsisimba po kami araw-araw na hindi ko naman po ginagawa dati. Sabi ko sa sarili ko ang higpit naman dito parang pumasok ako sa isang military school. Nung simula sobra nahirapan po talaga ako and hindi ko po alam kung bakit namin ginagawa ito? But I challenged myself kelangan kong gawin ito. Yes more on actual dito “Learning by doing” pero habang nag training po ako na curious ako sa bawat subjects ko, ang sabi ko po hindi ko to naranasan dati; Electrical, Electronics and mechanical.

Habang lumilipas po ang mga panahon, na-adapt ko na rin po yung sistema nang school, the importance kung bakit nga ba ginagawa namin po ito at pinaka importante sa lahat na natutunan ko, ay kung anu talaga yung ultimate purpose natin sa mundo ito ay ang makasama ang Diyos natin sa langit. Sa bawat pagkikil ko sa bawat paggamit ko ng mga makina sa machine shop, sa pag cut at pag connect ng wires ang pagising at pagbangon ko sa umaga ang bawat dugo at pawis na tumulo sa aking katawan. I dedicate all of this sa pamilya ko sa mga nagmamahal sa akin at lalong lalo na sa Diyos.

After 6 months nagpatuloy po ako bilang isa sa mga trainees na may aim to help my school at ang goal ko po talaga na hindi lang madadagdagan ang kaalaman ko bago mag planta but to help my new fellow students like others who inspired me nung nasa basic training pa po ako, mula pa po sila sa kanilang mga probinsya tulad ng  Bohol, Leyte, Bicol etc. na tulad ko na hindi rin alam kung anu buhay ang tatahakin pag dating po dito sa Laguna. I guided others, I taught others sa mga nahihirapan nilang subjects, I gave others advice sa mga problema nila, pinapalakas ko loob nila at sinabi “you should not only attain skills but you should have values and put God First” sa lahat ng gagawin nyo. Some would say “Kuya, salamat ready na kami” a simple thank you. Sila pa rin yung kasama ko hanggang ngayon.   After 1 year, nag simula na ang aking in-plant training, kinakabahan po ako kasi first time ko po na makapasok sa isang kumpanya. Napapunta po ako sa isang company sa Binan Laguna. Inalam ko po at inaral lahat ng mga bagay na makaka benefit at makakatulong sa aking company. Dito po lalo nahasa ang aking technical skills and how to value and respect my workmates not only to love them but to love them as family. After po nang training ko kinuha na rin po nila ako.

Fellow graduates hayaan niyo pasalamatan ko ang mga taong naging tulay para marating ko, natin ang ating tagumpay, sa ating mga magulang, salamat po at ginabayan nyo at sinuportahan nyo kami ito na po nag bunga na ang lahat ng pinaghirapan namin. Sa Ating mga sponsors at sponsoring companies na nagbigay sa atin nang opportunidad na makapag training at palawigin pa ang ating kaalaman maraming salamat po. Sa mga naging Learning facilitators, Industrial Coordinators Mentors at Advisers namin na sumuporta mula noon hanggang sa matapos kami salamat po sa gabay at mga payo nyo sa pagtahak nang tamang landas na aming tatahakin at tamang pagdedesisyon sa dapat naming gawin. Sa lahat po ng bumubuo ng Dualtech management and staff, maraming salamat po, nawa po ay marami pa kayong matulungan. Sa aking ikalawang pamilya ang aking company, Transcend Technologies, Sa mga Managers ko Sir henry Cadayona, Sir Paolo Martinez na isa rin nating alumnus, Maam Nazel, Sir Rowell, sa mga seniors ko at co technician na nag motivate sa akin at walang kaumayan magturo kahit sobrang kulit ko na magtanong maraming salamat po sa pagtitiwala at suporta mula simula hanggang matapos po ako at syempre sa ating Panginoong Diyos na hindi tayo iniwan. Ngayon alam ko na po kung anu gusto Nya para sa akin. Hindi man po agad-agad but binigay nyo pa rin po sa akin.

Dear fellow graduates isang napakagandang opportunidad ang ibinigay sa atin para maihanda sa buhay natin na tatahakin sa hinaharap. Maraming ups and downs nalagpasan natin. Hindi ito ang katapusan kundi simula palang ng mahabang paglalakbay natin na tatatahakin. Wag tayong tumigil mag-aral, maging stepping stone natin itong school para tayong maging more quality trained, more skilled, more productive and morally upright person. Tayo ay maging inspirasyon sa iba. This is the perfect time upang I share natin hindi lang ang ating technical skills kundi ang mga values that we gained making us better persons and spread on how much we love God not only by thanking him but to carry his cross and follow Him in our daily lives.

Category: 
Share