Stay Connected

Mr_Rivera_LFI“To quote what your fellow student mentioned earlier, bukod sa pag susumikap at pakikipag laban ay ang pagdarasal. Huwag na huwag nyong kakalimutan. Kung ano man ang galing at husay na meron tayo, yan ay regalo at biyaya lamang sa atin para gamitin hindi lamang para sa atin kung di para rin sa kapwa natin. Pangalawa mararamdaman nyo na minsan may mga bagay na kahit anong sikap na natin hindi padin natin kakayanin kung wala tayong tulong, hindi ko sasabihin na mula sa taas, kung di mula sa ating ama na nasa puso natin. -- Mr. Joselito Rivera, Executive Director | Lao Foundation, Inc.


Kinagagalak ko pong makasama kayo at damang dama ko po ang tuwa at ligaya ng ating mga graduates, at saka ng mga magulang, mga kapatid (at ng inyong mga girlfriends). Maligaya akong makasama kayo ngaun dahil mula duon sa talumpati kanina, nakakuha ako ng maliit na pagtanaw kung ano ang inyong background, anong kahulugan ng inyong pag aaral dito sa Dualtech. Napakalaking bagay ang napagdaanan nyo dito sa Dualtech, hindi lang sa pagkuha ng kaalaman kung di pati rin sa paghubog sa inyong character, at values na napakahalaga.

Mula sa Lao Foundation, maiksi na pagpapakilala. Ang Lao Foundation ay pinamumunuan ng Lao Family na may-ari ng D&L Corporation. Simula umpisa palang, lahat ng aming mga proyekto at tinutulungan ay nakatuon sa larangan ng edukasyon. Bakit dun? Malaki ang aming paniniwala na sa pamamagitan ng edukasyon, ay kahit ano pa man ang sinimulan natin sa buhay, sa pamamagitan ng edukasyon ay mabibigyan natin ng pag-asa ang bawat isa para sa mas mabuting pamumuhay. Mula sa Lao Family at Lao Foundation, maraming salamat sa pamumuno, faculty, admistration ng Dualtech. Kahanga hanga ang ginagawa nyong pagtulong at kasama nyo kami sa adhikaing eto.

Alam nyo naman pagkatapos nito, masaya may pahinga kayo ng konti pero sabak na pag katapos. You need to relish that good feeling kasi minsan madali, minsan hindi pero kung mahalaga at importante para sa inyo ang pinagtatrabahuhan nyo, kahit mahirap yan, kakayanin. Ang sinasabi ko nga sa mga estudyante namin sa Pamantasang Lungsod ng Marikina, mahirap man, laban lang, kaya yan. To quote what your fellow student mentioned earlier, bukod sa pag susumikap at pakikipag laban ay ang pagdarasal. Huwag na huwag nyong kakalimutan. Kung ano man ang galing at husay na meron tayo, yan ay regalo at biyaya lamang sa atin para gamitin hindi lamang para sa atin kung di para rin sa kapwa natin. Pangalawa mararamdaman nyo na minsan may mga bagay na kahit anong sikap na natin hindi padin natin kakayanin kung wala tayong tulong, hindi ko sasabihin na mula sa taas, kung di mula sa ating ama na nasa puso natin.

Ika nga sa IT or Telecom, napakahalaga to always stay connected. Congratulations.

 

Share