Partnership for the Greater Good

j_chipeco“I know that the success of dual system depends on the cooperation of the Dualtech and its partners. Without its partner companies, the virtue of the working will not be experienced by our students. We will continuously support the mission of Dualtech for the benefit of the greater good...” -- Hon. Antonio Joaquin “Jun” Chipeco | 2nd District Representative, Laguna


When I was first elected as a mayor, isa pong problema naming noon ay kung papaano gagawin na city ang Calamba sa ating dating munisipyo. Nagpatayo po ang mayor noon ng isang bagong munisipyo, maganda malaki din po na ipinagmamalaki po nating lahat so ang tanong sa akin ay “Mayor, ano po ba ang gagawin natin sa munisipyong luma, sayang di naman ito nagagamit. Mabuti pa mayor wala rin naman tayong museum gawin nalang natin tong museum.” Sabi ko, “Sinong ilalagay natin diyan kung museum? Mga senior citizen na kaibigan ko? Ay wag naman”. Sapagkat alam ko napakamaraming bagay na pwedeng ilagay sa ating museo in case we have one. Sapagkat dito ipinanganak ang ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal so pag-aaralan po natin kung ano ang ilalagay, napakarami po ng ating pwedeng ilagay.

I insisted, sabi ko sa aking palagay kung ako lang po ang masusunod bigyan natin ng pagkakataon to put up college in our old munisipyo? And this morning, it came back to my memory. Sabi ko, gawin nating city college para dun talaga yung mga mahihirap. Ni hindi man lamang makatapak sa kolehiyo sapagkat hindi kaya mapag-aral ng mga magulang. Eto ang bigyan natin ng pagkakataon para kahit papaano makatapos sila ng edukasyon because the greatest gift that the parent can give is education and this is what Dualtech is doing.

Kaya naman po ako na-touch kanina sa ating valedictorian, naalala ko nung mga panahong nung first commencement exercise na tinatawag na po yung mga graduates kasama yung magulang, kasama yung nanay ay syempre bilang ako pa yung mayor nandun din ako para gabayan ang ating mga graduates.

That was the first time at di ko po makakalimutan ay yung unang graduates na nabigyan ng diploma. At ang mangyayari naman, yung nanay ako po ang niyayapos at nagpapasalamat at ang sabi sakin “Mayor kung wala po ito di po makakarating ang aking anak para tumanggap po ng diploma.

Yung iba pong mga family mga nagtataka, “Ano ang sikreto ni Chipeco sa politika at laging nakakatyamba?” Sabi ko “wala namang sikreto, ibigay natin sa mga anak ang dapat ibigay ng magulang. Hindi kayo maaring makalimutan habang panahon. Yan ang ginagawa ng Dualtech? Parents? Kaya graduates please, standing ovation for your parents. And the officer and the members of the Dualtech please give them a standing ovation.

First of all, let me congratulate Dualtech, and its officers, and staff and its 35th year of its foundation. I was the provincial board member when Dualtech was founded in the year 1982. When Dualtech was founded in 1991 here in Carmelray in Canlubang, it was my first term as a congressman for the second district of the province of Laguna.

I am aware the Dualtech pioneered the dual training system or Republic Act 7686 that was enacted in the year 1994. This training that was patterned particulary in Germany was adopted by Dualtech even before the republic act. After more than twenty years of its enactment and after 35 years of Dualtech, I am proud that I am one of the proponents of the law and even more proud because Dualtech is in the second district of the province of Laguna. Not only to our district, but to entire archipelago.

Now let me address this, sa ating minamahal na mga magulang. Bilang isang magulang na katulad ninyo, alam ko po ang inyong nararamdaman sa mga oras na ito. Kagaya ninyo meron din akong mga anak na nagsisitapos or tapos na. Alam ko po ang pakiramdam ninyo kung gaano kayo kasaya sa mga oras na ito. Sa lahat po at sa mga sakripisyo at paghihirap ninyo ay nagbubunga, alam naman natin na di lahat ng kabataan ay nabibigyan ng oportunidad na katulad nito lalo’t na bukas makalawa halos lahat na sa kanila ay may trabaho na kaagad. Lahat po ito ay dahil sa inyong pagpupunyagi at nakikita ko po ang inyong mga ngiti. Kaya naman mga anak inuulit ko po kanina palakpakan natin ang ating mga magulang.

To Dualtech partners, I know that the success of dual system depends on the cooperation of the Dualtech and its partners. Without its partner companies, the virtue of the working will not be experienced by our students. We will continuously support the mission of Dualtech for the benefit of the greater good. Recently here in Calamba, we have revived the Calamba City Business Club. It is necessary aside from advocating economic, environmental, and social concerns. That is why company partners like Dualtech is considered to our country's growth. As a matter of fact, my topics together will be Calamba Business Club and its main project will celebrate Christmas with the poorest of the poor citizen of Calamba.

To my graduates, this is not the end. It is just the beginning. Continue learning and love your parents. Be the best technician or worker that you can be in your company. Alam po ninyo before I entered politics, ako ay naging manager kaya siguro po kaya ko nakuha yung pakikitungo at pakikilahok sa lahat po ng ating mga nagtatrabaho. Ang trabaho po doon, kailangan talagang malakas ang katawan mo. Karaniwan po mga highschool graduate. Ang trabaho ko po ay kung papaano po intindihin sila. You have to study psychology. You have to study so many things. Sa isang tingin ko lamang hindi naman po sa pagmamayabang, alam ko na po yung problema. That’s why it is important ngayon pa lamang you develop virtues and you develop perseverance.

Dahil meron po akong ginawa dito na isang acronym, sa inyong kapahintulutan basahin ko po as a parting message ko. Eto po ay after my family name, CHIPECO. For letter C, Courage or lakas ng loob. For letter H, Honesty, for letter I, Integrity, for letter P Perseverance, kailangan meron kayong tyaga. For letter E, Empathy kailangan ilagay niyo naman yung sarili niyo dun sa kakatayuan ninyo para magkaintindihan po kayo. Letter C, Courtesy palagi po tayong maging magalang and letter O tayo po ay dapat Obedient, dapat tayo ay masunurin.

Remember you have to be POGI all the time. Be with the Presence Of God Inside, kaya kung pwede po ba talagang pogi kayo lalo kayo maging pogi.

And will eventually, I might be here so many times with my good friend Cris. Finally, mga minamahal kong kababayan, I am very thankful for the invitation this morning. I have been your congressman for so long. Kaya wala po akong masasabi. Una salamat po sa Panginoon at pangalawa sa inyong mga minamahal kong mga kababayan, from the bottom of my heart. Thank you, maraming maraming salamat.

Wala na po akong hangad kundi masuklian ko kayo kahit papaano, eto pong pinagkatiwala niyo sa aking kapangyarihan because my friends, this is my 6th term in the congress. Look at the record in the congress. There’s only few, one is 7 and rest is 6, kasama po tayo. Eto naman po ay hindi mangyayari kung wala sa kayong pahintulutan kaya ulitin ko po salamat po sa pagtitiwala sa pamilyang Chipeco.

 

Share