I Learned to Be Strong

mike-ruadoSalamat sa Dualtech ngayon ako ay isang matatag na tao. Hindi ko man ngayon maabot ang aking pangarap na maging magaling na chef. Naniniwala akong ang pagpasok ko sa Dualtech ay isang daan para maabot ko at mapagtagumpayan ang aking pangarap. Hindi ako nadismaya o nagsisi na ako’y napasok sa Dualtech bagkos taas noo kong dadalhin at ipagmamalaki na akoy “tatak Dualtech”. Dahil dalawa kami ng aking kapatid na napatunayan na malaki ang kayang iambag ng Dualtech sa buhay ng isang kagaya kong nangangarap. At gagawin ko ang lahat at hindi ako matitinag hanggat hindi ko naaabot ang aking pangarap at higit sa lahat, labis kong pinasasalamatan ang Diyos na siyang may gawa ng lahat ng ito. -- Mr. Mike S. Ruado, Trained and Employed at Amertron, Inc.


“Try and try until you succeed” isang kasabihan na lagi kong isinasaisip na ang lahat ng bagay ay pwedeng makamit, kong ito’y paghihirapan, bibigyan ng panahon, at sapat na oras. At hindi mapapagod na harapin lahat ng balakid sa daan at hindi susuko sa kabila ng mga pagkakadapa. 

Ako’y laking probinsya, nangarap na maging isang magaling na chef, ngunit napakamahal ang matrikula sa Culinary Arts, kaya po ako ay nag–aral sa eskwelahang pinagtapusan din ng aking panganay na kapatid, dito sa DUALTECH. Pamumundok ang aming ikinabubuhay sa Mindoro. Kaya palaging sinasabi ng aking magulang na tanging edukasyon lang ang kayang iiwang yaman sa aming magkakapatid, at huwag kaming gagaya sa mga tambay sa aming lugar. Pagkalipas ng isang buwan ng graduation ko sa high school, lumuwas kami ng aking mama sa Maynila upang ako ay mag-aral. Isang linggo lamang akong sinamahan ng mama ko dito, walang alam kung ano ang pwedeng mangyari sa akin dito sa Maynila. Ngunit hindi ko inisip na isang balakid kundi isang sitwasyong dapat kong lampasan at malayo sa aking pamilya para maabot ang pangarap at makatulong sa kanila. Ako’y tumuloy sa tahanan ng aking tiyahin sa Quezon City.

Sa DUALTECH, maaga ang pasok at 6:00AM na sa probinsya namin ay oras pa lang ng aking pag gising. May 4, 2012 unang araw ko sa DUALTECH ay nalate ako ng 18 minutes sa kadahilanang naligaw kami ni mama at ako’y nasita ng aming facilitator. Dahil dito, ako’y nagsabi sa aking sarili na hindi na ito mauulit, babaguhin ko ang aking sarili, at hindi na mahuhuli sa klase. Ng kinahapunan, isa nanaman kakaiba at mahirap na activity ang binigay sa amin - Magkikikil ng tubo hanggang mapaikli ito sa tinakdang sukat. Ngunit inisip ko na lamang na ito’y isang daan upang makapagpatuloy ako sa aking adventure sa Dualtech.   Siguro ang naging lamang ko sa ibang kamag-aral ay ako’y laking probinsya at sanay sa mahirap na gawain. Maganda ang naging kinalabasan ng aming activity dahil sa mahigit 25 na estduyante tatlo kaming nakatapos sa takdang sukat. Ang naging motivation ko ay ang hirap ng buhay sa probinsya, na kung sa simpleng gawaing pagkikikil ay hindi ko kayang tapusin papaano pa ang susunod. Isinasaisip ko lagi na dapat kung pagtiyagaan upang makatapos.

Nagpatuloy ako sa anim na buwang pagsasanay sa eskwelahan na tinatawag na BSTP at nabigyan ako ng pribelihiyong mapasama sa hanay ng mga estudyante na mag one year program. Isang programa para sa mga estudyanteng gusto pang mas palaguin ang sarili para lalo pang mapaghusay sa plantang pagsasanayan. At labis kong pinasasalamatan ang pribelihiyong ito, dahil mas nalinang ko ang pagiging tagasunod, pagiging lider, peer- tutor sa mga estudyanteng bago pa lamang papasok sa Dualtech, at pagpapaka-dalubhasa sa mga workshop. Nalinang ko din ang pagiging mapagmasid sa mga bagay na maari pang pagandahin, at bigyan ng sistemang susundan nito. Nasanay akong pahabain ang aking pasensya sa bawat kapwa estudyanteng tinuturuan. Natutunan kong pahalagahan ang bawat oras at gawing kapakipakinabang ang bawat sigundo. At huwag basta-basta liliban sa klase, naalala ko pa pumasok ako isang beses hindi alintana ang ulan at baha bunsod ng bagyo. Na halos buong pantalon ko ay mabasa dahil sa taas ng tubig. Inisip ko na lamang sayang ang araw na lilipas na wala akong matutunan.

Salamat sa Dualtech dahil natuto akong magsakripisyo para sa iba at sa nakararami, at hindi laging iniisip ay para sa kapakinabangan lamang ng sarili. Salamat sa mga Learning Facilitators na walang sawang turuan at pagbigyan sa aming mga kamalian at ituwid. Salamat sa mga Mentors, Industrial Coordinators na walang sawang gumagabay sa aming mga pang araw araw na ginagawa, turuan ng mga virtues na dapat naming taglayin at ipakita sa mga nakakasalamuha sa planta. Salamat sa mga pormasyong aking natatanggap para mas lalo pang yumabong ang aking pagkatao. Salamat sa aking personal coach na walang sawang makinig sa aking mga tanong, hinaing at mga problema. Salamat sa kanyang oras, panahon na kanyang ginugol sa akin. Salamat sa Dualtech dahil tinuruan nila akong maging tunay na TAO at magpakatao.  At pahalagahan ang bawat buhay sa iisilang. Salamat dahil tinuro nila sa akin ang layunin ko dito sa mundo ang kilalanin, mahalin, at pagsilbihan ang Diyos. Salamat sa founder ng OPUS DEI na si San Josemaria Escriva dahil sa kanyang inspirasyon nabuo ang eskwelahang akin ngaung tinitingala.

Sa tulong ng Dualtech akoy nakapagsanay sa kumpanyang Amertron Inc. Salamat sa kumpanyang ito dahil nakumpleto ko ang aking pagsasanay. At lubos kong pinasasalamatan ang prebilihiyong ito. Binigyan pa uli ako ng Amertron Inc. ng isa pang pagkakataon para patunayan ang aking kakayahan at maging kanilang empleyado. Nalinang ko dito ang aking mga natutunan sa Dualtech. Pag-aayos ng makina, ngunit higit sa lahat ay ang mga kagandahang asal mula sa pagpasok sa tamang oras, paggamit ng tama sa tinakdang oras ng pagkain, paggalang sa mga nakakatataas, pagpapasensya sa mga kapwa manggagawa at iba pa.

Salamat sa financial support na pinagkaloob sa aking ng Ty and Dee Foundation. At higit sa lahat maraming salamat sa aking mga magulang nasa kabila ng aking pagkakalayo ay hindi sila nagkulang sa pagmamahal, suporta, para matapos ko ang dalawang taong kurso. 

Salamat sa Dualtech ngayon ako ay isang matatag na tao. Hindi ko man ngayon maabot ang aking pangarap na maging magaling na chef. Naniniwala akong ang pagpasok ko sa Dualtech ay isang daan para maabot ko at mapagtagumpayan ang aking pangarap. Hindi ako nadismaya o nagsisi na ako’y napasok sa Dualtech bagkos taas noo kong dadalhin at ipagmamalaki na akoy “tatak Dualtech”. Dahil dalawa kami ng aking kapatid na napatunayan na malaki ang kayang iambag ng Dualtech sa buhay ng isang kagaya kong nangangarap. At gagawin ko ang lahat at hindi ako matitinag hanggat hindi ko naaabot ang aking pangarap at higit sa lahat, labis kong pinasasalamatan ang Diyos na siyang may gawa ng lahat ng ito. 

Share