Gov. Ramil L. Hernandez

ramilhernandez"Maraming maraming salamat po sa Dualtech. Kayo po ay katuwang ng ating probinsya, katuwang ng ating bayan, katuwang po ng ating bansa sa pagsulong at pagpapaunlad ng  pinakamagandang kayamanan- pagpapaunlad ng tao. Dahil ang kanilang kaalamana'y hindi lamang po sa kasalukuyan, kundi hanggang sa kanilang kamatayan. Hindi ito kayang agawin ng kahit sino. Congratulations sa Dualtech, congratulations parents, congratulations graduates."

-- Hon. Ramil L. Hernandez, Governor of the Province of Laguna, Philippines (February 14, 2015)


Thank you very much Sir Cris, very much obvious na kilala ako ni sir dahil wala syang binabasa habang pinapakilala po ako. Magandang umaga po sa inyong lahat. Bago po ako magbigay ng hindi kahabaang mensahe, hayaan nyo po akong batiin natin ang ating mga kasamahan dito sa pangunguna po ng ating magaling na presidente, Mr. Arnolfo Morfe. Ang estate manager po ng Carmelray, Mr. Virgilio Lorenzo.  Sa lahat po ng staff, instructors, parents, and ofcourse lahat po ng students. Magandang magandang umaga po sa inyong lahat.

Alam nyo po nung isang araw nung nireview ko po yung schedule ko, nakita ko nga po na invited po ako as guest speaker ng Dualtech. So tinanong po ako ng aking secretary, ang aking speech writer, kung maghahanda sila ng speech para sa akin. Ang tanong nila sa akin, tagalog po ba o english?  Kasi SOP po sa atin yan, tatanungin muna ako. Ang sabi ko, wag tagalog, wag english, hindi nalang ako gagawa ng speech na babasahin sapagkat pag ganitong occasion, hindi ka mawawalan ng sasabihin. Very inspiring po itong okasyon na sa kabila ng hirap ng buhay ng ating mga magulang, sa kabila ng napakadaming tukso sa mga kabataan, ay nagawa nyo paring mag-aral at  magsipagtapos. Congratulations po.

Kayo ay bahagi na ng solusyon ng ating pamahalaan sa mga problema. Hindi na po kayo kabahagi don po sa mga problema, dahil unang una pong problema ng ating pamahalaan ay kawalan ng trabaho. Then sigurado, magkakatrabaho na kayo dahil pinaghandaan nyo ang inyong pagttrabaho. Hindi na kayo kasama don sa mga kabataan na nakatambay lamang at minsan ay nagiging source ng problema. Kaya maraming salamat po sa ating mga magulang dahil malaking bagay po sa ating pamahalaan na makapagproduce tayo ng kabataan na kapaki pakinabang. Hindi lamang po sa ating lipunan, unang una kapaki pakinabang po sa loob ng inyong pamilya. Napakahirap po sa panahon ngayon ang walang trabaho. Nung naupo po akong gobernador po ako ng lalawigan, para po akong nagbukas ng kumpanya. Araw araw ang daming nag-aaply sa akin ng trabaho. Pero ang sabi ko nga meron po tayong higit na 3,000 employees, regular and non regular don po sa kapitolyo. Bago po tayo magtatanggap ng employado don kelangan may bakante, so kelan magkakabakante, kapag may bumagsak sa evaluation at kapag may nag retire. Hindi ko po kasi ugali na gaya ng nakaraang administrasyon eh tatangalin na kita. Wala naman kinalaman sa pulitika, lahat naman ng tao ay nagttrabaho hindi para sa pulitiko kundi para sa kanyang pamilya. Kaya hindi po tayo ganun sa ating patakaran. so ganun din po sa ating mga kabataan, lagi po natin iisipin na sa kasalukuyan ay nagttrabaho kayo hindi lang para sa inyong sarili at magiging pamilya sa hinaharap.  Kelangan may tulong din sa ating mga magulang. Although in my experience,  kahit napakahirap na pinagdanan ng aming buhay, hindi naman po kami mayaman, ako naman ay anak ng isang driver na naging kapitan at tindera sa palengke ang nanay ko. Noon at sa ngayon na gumanda na ang aking buhay, never akong nakarinig ng kahit isang salita na inobliga ako ng aking mga magulang na magbayad ng utang na loob.  Kaya yun ating mga kabataan, magkusa naman tayo.

The best example po ng  estudyante na nakatapos po dito ay  syempre ang aking mga kapatid. Yung isa ko pong kapatid na si Rene ay naggraduate po dito then natangap po agad sa trabaho dito po sa Philippine Bio Industries. Habang nagttrabaho, hindi naman sa lahat ng oras nasa kumpanya ka, may mga pagkakataon na wala kang pasok ay naisipan nyang mag sideline. Nag rerepair ng mga aircon. So ang una nyang ginawa, umutang kay kuya Ramil ng Php 50,000 pambili ng mga tools. Tinulungan natin, after ilang months medyo dumadami na ang kanyang ginagawa. Nagkaroon na sya ng ibang partners, medyo yung utang sa akin na Php 50,000 ay nabayaran na. Natuwa ako kaya lang after 1 week, kaya pala nagbayad, mangungutang ulit. At hindi lang Php 50,000.00, Php 500,000.00 na ang inutang sa akin dahil lumalaki na ang kanilang mga kontrata. Madami na ang dapat pagkagastusan, kelangan na ng investment. Ofcourse hindi naman mayaman si Kuya Ramil, kahit papano nagawan ng paraan. After ilang months, nagbayad ng utang, pero as expected, mangungutang na naman kaya nagbayad. Hindi ko na sasabihin sa inyo yung figure, medyo malaki laki na dahil kelangan nya ng service sa kanilang mga kontrata. Dahil ang mga kontrata nila ay umaabot na sa Baguio, hindi naman pwedeng magtricycle papuntang Baguio. Kaya habang nagttrabaho sa kumpanya, may negosyo. sya po ay bunso sa aming magkakapatid na lalake.

Be the best of what you are. If you could not be the best, at least be good of what you have. Kahit mag graduate sya ng kilalang kurso, pero kung puro kalokohan ka, hindi ka rin uunlad kahit pinanganak ka ng isang gobernador, o pinanganak ng presidente. Ang inyo pong lingkod ay pangatlo sa 13 magkakapatid dyan po sa barangay Mabato. Nung ako po ay nanganagmpaya na konsehal ng Calamba, pag sinasabing taga san ka Iho, taga Barangay Mabato, hindi alam ng mga taga Calamba na may ganun palang Barangay. Dahil ito po ay pinakadulo at pinakabundok at ang naninirahan ay 200 katao lamang. Pero ano ang nagbigay lakas loob sa akin kumamdidado, yun ay ang aking pangarap at naniniwala po ako sa aking sarili. At don na nga po nagumpisa ang aking kapalaran. May mga gifted dyan na pinanganak na mayaman, may mga gifted dyan na ang pamilya ay matitibay ang pundasyon sa pulitika kaya hindi na dumadaan sa mababang pwesto sa pagkandidato ay senador agad, congressman agad, governor agad, pero tayo ay nag-umpisa ng paunti unti. So ganun din po sa ating kabataang magsisipagtapos, ang pinakamatinding puhunan ay ang ating paniniwala sa ating kakahayan.

Kung sa ngayon ay naguumpisa palang kayo, push nyo lang yan. Hashtag #PUSH. Wag kayong umasa na kusang darating ang kapalaran, yan ay hinahanap. Yun aking mga kapatid, hindi sya umasa na kapatid sya ng pulitiko, na nadadaan lang sa palakasan ang magiging kapalaran nya sa kumpanya at sa kontratang pinapasok nya. Pumasok sya sa kanyang sariling kaalaman, sarili nyang galing, at bilang kapatid ay kaagapay nya tayo. Ang una nyong aasahan ay ang inyong sarili. Dahil kung ang isang anak o isang kapatid ay himihingi ng suporta sayo at alam mo naman na may kalokohan sa buhay, kahit meron ka ay sasabihin nyong pasensya na. Pero kung wala ka at alam mo naman talaga na maayos, kahit ikaw mismo ipapangutang mo at handang tumulong. Kaya iyon po ang bood ng mensahe sa mga magsisipagtapos. Pinakamalaking puhunan po natin ay ang ating ambisyon, ang ating pangarap. At minsan po pag alam na natin na andyan na yung momentum ng ating mga pangarap, minsan biglang mababago, biglang babagsak. Pero dapat hindi parin magigiba yung ating mga pangarap.  

asm-rlhMagmula po nung Elementary, highschool, naging SK Chairman ako, naging pulitiko ako, young achiever, kapalaran ko po iyon. Naging pinakabatang konsehal, pinakabatang board member, pinakabatang vice governor. 2010 election, nangarap akong maging pinakabatang gobernador, pero natalo po ako ng election nung 2010. Lahat na ng klaseng kumpanya ginawa ko. Lahat na ng klaseng sipag ginawa ko. Pero natalo po ako, lahat ng panalangin ginawa ko rin, pero natalo po. Lagi ko pong sinasabi, akala ko sagot ng Diyos, Ramil tama na, masyado na akong madaming naibigay sayo. Pangarap mong maging Governor, hind para sa iyo yan. Akala ko po ganun ang sagot ng Diyos sa aking panalangin, yun pala ang sagot nya, “OO naman, magiging governor ka pero hindi lang ngayon, maghintay ka ng kapalaran mo” kaya nung bumalik po ako ng election nung 2013, sa history po hindi lang po ng Laguna, sa history po ng buong Pilipinas, ako lang po ang kaisa isang independent na vice governor, pwede ka pong maging independent pag ikaw ay konsehal o maliit na pwesto na tinatakbuhan. Pero pag provincial wide na meron 3 million tayo na may 1.6 million na botante, parang napakahirap pumasok na independent. Pero yun po ang kapalaran ko, tumakbo po akong independent at nabigyan po ako ng overwhelming na panalo. History na naman, 256,000 po ang aking lamang don po sa aking kalaban. So lagi pong nandyan ang Divine Intervention, walang imposible kapag pinaniwalaan mo at ipinagkaloob sayo ng panginoon. Maaring magtagumpay tayo, pero susubukan tayo sa gitna ng ating tagumpay, pero inuulit ko, walang susuko. Tuloy lamang po ang laban ng buhay. At ang ating mga magulang, alam naman po natin na kayo po ang masayang masaya, masaya sila pero mas masaya kayo, dahil nakikita nyo na ang anak nyo ay magkakatrabaho na. Hindi nyo na sakit ng ulo, pang load lang ay hihingin pa. Atleast kung biglang mag asawa, may hanap buhay. Hindi na mangihihingi ng pambili ng gatas sa inyo.

Maraming maraming salamat po sa Dualtech. Kayo po ay katuwang ng ating probinsya, katuwang ng ating bayan, katuwang po ng ating bansa sa pagsulong at pagpapaunlad ng  pinakamagandang kayamanan- pagpapaunlad ng tao. Dahil ang kanilang kaalamana'y hindi lamang po sa kasalukuyan, kundi hanggang sa kanilang kamatayan. Hindi ito kayang agawin ng kahit sino. Congratulations sa Dualtech, congratulations parents, congratulations graduates.

 

Share