Contribute to the Common Good - Be Dualtech!

abarca-cHindi ko inakala na makakarating ako dito sa ganitong posisyon. Pangarap ko lang naman maging factory worker noon. Pero nagbago lahat yan ng mag-aral ako sa Dualtech. Alam mo sa sarili mo na kaya mo. Kailangan mo lang ng knowledge at skills. Ang Dualtech ay hindi tungkol sa short-cuts. Pero kung gusto mong mapabilis ang natatago mong kakayahan, ’wag kang magdalawang isip sa Dualtech. -- Christopher M. Abarca | Psi Technologies, A49-1998


While my high school classmates were too busy taking college entrance examinations, I was hunting a job because my parents could not afford to send me to college; but with the help of my elder sister, I was able to go to Manila but my qualification was not enough to get my simple dream, to become a factory worker. My aunt who worked for a partner company told me about DUALTECH.

When I was in front of Dualtech Training Center EDSA extension, I kept asking myself. Is this a school? Why are there no girls? Why do students look like construction workers? I enrolled in this school but the question is, how about my expenses? Who will support? Luckily, my elder sister got a job in a garment factory. She supported my weekly allowances  and my aunt offered their house to stay to save on transportation from Taguig to Pasay. Indeed, it was a blessing in disguise.

Madalas may dala akong side bag pero hindi gadget ang laman kundi kanin para ulam na lang bibilhin ko. May nakatalaga na rin akong kamag-aral na kahati ko sa ulam. Kaya bad trip ‘pag absent siya, wala akong kahati sa bayad. Pag wala akong pasok, pumupunta ako sa mga tiyahin ko at sasabihin ko na aayusin ko ‘yung mga sirang gamit nila o kaya sa kapitbahay nila. Nagkukumpuni ako ng pwedeng makumpuni na sirang appliances o kaya mga wiring sa bahay nila, kasi nga, alam ko na ‘yung basics. Imagine, apat na buwan pa lang ako sa school pero malakas na loob ko na gawin kasi alam ko na kung papano yung principle. Nagkakapera ako tuwing wala akong pasok sa school, kaya ‘yung allowance ko minsan naiipon ko o kaya nagagamit ko naman para sa pangangailangang personal. Cyempre binata, kailangan pomorma ng konti!
Dualtech Training Center contributes to the common good by fulfilling the needs of low income members of society. Ako iyon! One day, it was announced that DOST was giving a chance for every student to take examination for scholarship grant. And 95% of the students passed the examinations and became scholars!  I was very proud to be one of them. Tuition fee was not a problem anymore!

First day of school ay challenge kaagad! After some explanation from our instructor, we needed to do the actual simulation; from electrical, mechanical, electronics and instrumentation. Every single day I felt like I was taking a big leap, putting a lot of knowledge thus filling my empty cup. Naranasan mo na ba na magkakalyo yung palad mo dahil sa grasa, langis at bakal? Naranasan mo rin ba na makuryente? Iyong umusok ‘yung project ninyo? Lahat yan kasama sa challenge ng school. We learned how to perform the job even with pressure. Kaya paglabas mo ng school, ‘yung dapat isang buwan ninyong pagaaralan sa ibang school, sa Dualtech makukuha mo sa dalawang oras. Exaggerated man pero iyon ang totoo kung ang pinag-aaralan niyo ay isinasa-isip at isinasapuso. Kahit ako napapaniwala sa sarili ko, kaya ko pala! Kailangan lang ng tamang strategy ng pagtuturo para mabuksan ang natatagong kakayahan ng bawat estudyante. Iyan ang maipagmamalaki ko at natutunan ko. Malaking pasasalamat ko na naging Dualtech student ako, naging highly skilled and  productive ako.

ASTP was the most challenging part. I didn’t want my company because I wanted something na malinis ang uniform tapos aircon, but I didn’t have the choice. During my first day of in-plant training, I met some of the people who were Dualtech alumni. All of them were assigned in engineering and maintenance positions and others were supervisors. With that, I started to challenge myself and to follow their steps.

cris-abarcaI survived through the guidance of the alumnus who challenged me to improve my skills and productivity as a trainee. I will always remember my first interview when I was told that “ispin mo kung ano maitutulong mo sa company hindi ‘yung ano ang maitutulong sa iyo ng company. Tulungan mo ang sarili mo para matulungan ka ng company. Lahat ng area pag-aaralan mo.” Daig pa namin ang mga cadet engineer. At kapag sinabing Dualtech ka, iba ‘yung tingin sa’yo ng employer kasi lahat ng graduate ng Dualtech  ay may magandang posisyon sa company. Kaya nakakahiya kung ako lang ‘yung sisira ng image ng Dualtech sa company. Iyon dapat ang mindset mo sa sarili na wala naman talagang allowance, dahil ‘yung binibigay ng school is excess lang sa subsidy na ginagamit naman sa mga expenses ng school.  That time, wala na ang Hanns Seidel Foundation sa Dualtech kaya shoulder ng school ang lahat ng expenses. Biruin mo, wala ka na ngang tuition fee naghahangad ka pa ng allowance? Dapat huwag asahan ‘yung allowance kasi  studyante ka, scholar ka, hindi ka empleyado. Ang goal mo dapat ay matuto ka, makatapos ka, at maging successful sa darating na panahon.

It was in August 1998 when I was hired as a technical operator at TEAM Pacific Corp. Yes, an operator because there were no vacancies for technician. This was one of my strategies to get employed because it was much easier to apply internally for the position I wanted. I was assigned at backend LCD scribing, LCD liquid crystal filling, end sealing and polarizing. In April 1999, the company posted an internal hiring for technician. And after 8 months of being technical operator, I was promoted as technician at front of line. I spent 7 years with the company because I loved and enjoyed my job and my working environment.
Then I decided to accept the offer of PSI Technologies Laguna in December 2005 as an Equipment Engineer. At times, I was assigned at PSI Taguig if they needed support for their operations.

February 2013, I received a call from Statschippac Malaysia Sdn. Bhd. offering a job as Process Engineer I. After I passed the interview and salary negotiation, I signed the contract. On May 2013, I left my beloved Philippines and my family to work in Malaysia. Heto na trabaho agad walang training-training linya kaagad. Ganoon sila ka-believe sa Pinoy. Nakaka-uplift ‘yung ganoong  pakiramdam, na pinoy yan, no need to train, alam na niyan gagawin niyan. Karamihan sa mga Pinoy na empleyado sa Malaysia matataas  ang posisyon gaya ng manager, senior engineer, technician, majority Pilipino. Hindi nakakalungkot mag trabaho kasi parang nasa Pinas ka lang. Mahirap ‘yung trabaho, pero nakakachallenge. Kailangan isipin mo na ‘yung araw-araw na problema sa trabaho ay learnings mo. Isipin mo din na kaya tayo inilagay sa ganoong pwesto kasi  kaya natin.

Sa ngayon nagbalik ako sa Pilipinas upang magtrabaho muli sa Psi Technologies under the Innovation Department. Kung iisipin, hindi ko inakala na makakarating ako dito sa ganitong posisyon. Pangarap ko lang naman maging factory worker noon. Pero nagbago lahat yan ng mag-aral ako sa Dualtech. Alam mo sa sarili mo na kaya mo. Kailangan mo lang ng knowledge at skills. Ang Dualtech ay hindi tungkol sa short-cuts. Pero kung gusto mong mapabilis ang natatago mong kakayahan, ’wag kang magdalawang isip sa Dualtech.
 

Share